Charo Santos-Concio, pinarangalan ng prestihiyosong Sotero H. Laurel Lifetime Achievement Award
Wagi ang ABS-CBN, ang nangungunang content provider ng bansa, ng labing-isa na parangal, kabilang na ang Media Company of the Year para sa ika-anim na sunod na taon, sa Golden Laurel: The Batangas Province Media Awards 2023 na ginanap sa Lyceum of the Philippines University-Batangas noong Huwebes (Hunyo 20).
Binigyan ang award-winning host at aktres na si Charo Santos-Concio ng prestihiyosong Sotero H. Laurel Lifetime Achievement Award para sa kanyang mga kontribusyon sa industriya ng entertainment sa Pilipinas, habang ang panalo naman ng Meritissimus Award for Drama Anthology ang “Maalaala Mo Kaya,” ang pinakamatagal at pinakatanyag na drama anthology program ng Pilipinas.
“It has been an honor and privilege for me to serve the Filipino audience since my early days as actress in “Itim,” as the host of the longest running drama anthology, “MMK,” as president and CEO of ABS-CBN, and now as Tindeng in “Batang Quiapo” on weeknights. Your loving support has been a source of strength and motivation for me to keep doing what I have been doing throughout the years,” pagbabahagi ni Charo.
Kinilala ang noontime program ng ABS-CBN na “It’s Showtime” bilang Best Variety Show sa event, habang nagwagi naman ang advocacy-driven legal drama anthology na “Ipaglaban Mo!” ng Best Documentary Show award.
Binigyan din ng parangal sina Joshua Garcia (Best Drama Actor), Esnyr Ranollo (Most Outstanding Content Creator), at Princess Kathryn “Kulot” Caponpon (Breakthrough Batangueño Social Media Child Personality).
Samantala, nanalo ang flagship program ng ABS-CBN News na “TV Patrol” ng Best News Program award, habang ang anchor nitong si Bernadette Sembrano-Aguinaldo ang nag-uwi ng Female News Anchor of the Year award. Pinarangalan din ang website ng kumpanya na news.abs-cbn.com ng Online News Website of the Year award.
“Patuloy namin itataguyod ang katotohanan sa abot ng aming makakaya. Sana sundan niyo kami san kami mapanuod digital o TV. Huwag niyo kami iiwan dahil mahal na mahal namin kayo,” sabi ni Bernadette.
Layunin ng Golden Laurel Awards, na inorganisa ng Lyceum of the Philippines University-Batangas na kilalanin ang mga institusyon, palabas, at personalidad na nagbigay ng malaking kontribusyon sa industriya ng entertainment sa Pilipinas.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.