Bibida sa kauna-unahang pagkakataon sa primetime ang phenomenal loveteam ng henerasyon ngayon na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa bagong serye ng ABS-CBN na "Can't Buy Me Love."
"Ever since this was always a dream of mine. Growing up, I used to watch primetime seryes. To be able to do one with Direk Mae and Donny, I'm so excited," saad ni Belle sa nasabing project announcement.
"It was something we both have prayed about and we can't imagine na ito na 'yun. We are really starting it,"dagdag ni Donny
Matapos makilala bilang Deib at Max sa "He's Into Her," Ino at Caramel sa "Love is Color Blind," at Manny at Ayef sa "An Inconvenient Love," gagampanan nina Donny at Belle ang mga bagong karakter na sina Bingo at Caroline paniguradong mamahalin ng bawat manonood.
Bukod sa ito ang unang primetime series ng DonBelle, ito rin ang unang seryeng pagsasamahan nila ng blockbuster director na si Mae Cruz Alviar, ang direktor ng hit series na “2 Good 2 Be True.”
Ani ng direktor, "I have handled different loveteams. I can see why they are tagged as phenomenal and I have seen why they are the new gen loveteam. May distinct flavor and personality sila."
Ang "Can't Buy Me Love" ay nasa ilalim ng produksyon ng Star Creatives, ang grupo sa likod ng kinagiliwan at minahal na kilig serye tulad ng "Forevermore," "Princess and I," "Dolce Amore," "Pangako Sa Yo," at iba pa.
Para sa updates, sundan lamang ang Star Creatives sa Facebook, Twitter , at Instagram at ABS-CBN PR sa Facebook, Twitter, Tiktok, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.