Simula na ng matinding gantihan!
Sunod-sunod na kamatayan ang bumungad sa “Nag-Aapoy Na Damdamin,” isa sa dalawang bagong teleserye mula sa ABS-CBN Entertainment at TV5, na gugulo sa mga buhay nina JC de Vera (Philip), Ria Atayde (Melinda), Tony Labrusca (Lucas), at Jane Oineza (Olivia).
Nagpabilib sa aktingan ang guest stars na sina Jeffrey Santos (Severino), Lovely Rivero (Elena), at Richard Quan (Javier) sa kanilang mga eksena sa
pilot episode ng programa na umere noong Martes (July 25) kaya naman napabilang ang #NagAapoyNaDamdamin pati na rin si Tony Labrusca sa nangunang trending topics sa Twitter.
Puring-puri ng netizens ang exciting plot ng programa pati na rin ang intense na acting ng mga bida.
“Umpisa pa lang, dami ng plot twist. Daming aabangan dito. Nakakapanabik ang bawat pangyayari ng kwento,” ayon sa post ni @_clydejeconiah. “A round of applause to @tonythesharky @akosijcdeberat for today's pilot episode for their wild acting!” dagdag niya sa panibagong tweet.
“Mainit kng sa mainit ang #NagAapoyNaDamdamin. Level up ang actingan tlaga ni @itsJaneOineza. Galing dn ng lhat ng cast,” sabi naman ni @simplyzen19.
“Napaka tragic naman ng nangyari sa family ni JC, kaya pala magiging monster sya dito,” ani @pookiepay.
Napansin din ng netizens ang prosthetics ni Jane para sa karakter niya bilang Olivia. “Ibigay natin kela Direk FM Reyes sa tulong ng JRB team ang pagiging metikuloso sa prosthetics ni Olivia (Jane Oineza),” ayon sa post ng @OfficialKpex.
Mapapanood ang “Nag-Aapoy Na Damdamin” pagkatapos ng “Pira-Pirasong Paraiso,” ang isa pang bagong drama series na handog ng ABS-CBN at TV5 na pinagbibidahan naman nina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson.
Sundan ang #NagAapoyNaDamdamin mula Lunes hanggang Biyernes, 3:50pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa
Facebook at
Twitter (@JRBcreativeprod) at sa
Instagram (@JRBcreativeproduction).
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.