Maki and Karina Bautista express their sweetness to each other in "Bakit?" music video.
Kasunod ng kanyang viral hit na “Saan?,” nagbabalik si Maki hatid ang bagong heartbreak anthem na “
Bakit?” kung saan inilarawan niya ang nakalipas na pag-ibig na nag-iwan sa kanya ng maraming katanungan.
“‘Bakit?’ is a song that expresses our ‘marupok’ selves after ending a confusing relationship. We usually ask ourselves ‘Bakit kaya nagawa niya sa’kin yun? Bakit kaya niya ko iniwanan ng ilang beses?’ But ang pinaka mabigat at confusing na ‘bakit’ ay kahit ginawa niya yung lahat ng mga bagay na hindi mo inaasahan sa kanya, bakit mahal mo pa rin siya?” saad ng Kapamilya singer.
Dagdag pa ni Maki, ang bago niyang single ang isa sa pinakamasakit na awitin na kanyang naisulat at hangad niya na magsilbi itong paalala na walang masama sa pagmamahal.
“This song is actually one of the most heartbreaking songs I've ever written. With this, I want people to know that asking questions within yourselves is okay. But, blaming yourself for everything is not. You have to realize na kaya ka marupok is because genuine yung love mo sa kanya and you did your best for them.” kwento niya.
Samantala, kasama ni Maki sa kakalabas lang na “
Bakit?” music video ang aktres na si Karina Bautista bilang kanyang love interest. Ito rin ang sequel ng “Saan?” music video na inilabas noong Abril.
Bilang isa sa mga bagong mukha ng OPM, nakapaglabas na si Maki ng iba’t ibang viral hits tulad ng kanyang R&B rendition ng “
Gusto Ko Nang Bumitaw” na umani ng mahigit 900,000 streams sa Spotify at “
Saan?” na pumasok sa top 50 ng Spotify Philippines Viral Songs chart. Bukod dito, naging cover din siya ng Pinoy Indie Mix at nakasama sa regional Spotify playlist na .ORG tampok ang iba’t ibang talento mula sa Asya.
Pakinggan ang bagong single ni Maki na “Bakit?” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.