News Releases

English | Tagalog

Trisha Denise, naglabas ng bagong EP na "Simula ng Wakas"

August 01, 2023 AT 10 : 40 AM

Trisha Denise opens a new chapter in her life with the release of her latest EP "Simula ng Wakas."

Panibagong kabanata ng kanyang singing at songwriting journey

Kwento ng pinagdadaanang pagbabago sa buhay ang hatid ng Kapamilya singer-songwriter na si Trisha Denise sa kanyang latest EP na “Simula ng Wakas.”

“For me, ’Simula ng Wakas’ is like the breaking of a new day, a new chapter in life ready to be written,” ani Trisha. “It seeks to empower listeners to abandon unhelpful emotional baggage and stay excited about transitions in life.”

Tampok dito ang key track na “Mas Mabuti Pa” na tungkol sa struggle na tapusin ang isang relasyon ng maayos. Hango ito sa iba’t ibang kwento ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Sabi niya, “I love listening to my friends and family's stories. And I realized that if something doesn't feel right anymore, you have the freedom and the choice to leave. It will be a difficult process but in the end you will realize it is the right decision not only for you but with all the other parties involved.”

Ilan pa sa awiting nakapaloob sa EP ang “Wag Mo Akong Gisingin.” “Seryoso,” “Guhit,” “Bati Na Tayo,” at “Simula Ng Wakas.” Inspired ang mga ito ng Korean songs, ayon kay Trisha na gumagawa ng K-pop covers gamit ang salitang Filipino na umani na ng pinagsamang million views sa Facebook at TikTok.

Sinundan ng “Simula Ng Wakas” EP ang kanyang album na “Piece of the Puzzle” na tungkol sa pag-ibig at heartbreak. Noong nakaraang taon, inilabas naman niya ang song collaboration tungkol sa mental health na “My Safe Place” kasama ang Pinay artist na si LU.ME at Singapore-based acts na sina KIRI, kotoji, at Marian Carmel.

Pakinggan ang bagong mini-album ni Trisha Denise na “Simula ng Wakas” na available sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE