Ngayong Linggo (Agosto 13), bidang-bida ang mga chikiting sa Youth Day concert experience ng paborito ninyong weekend viewing habit, tampok ang todo-bigay na sayawan mula kina Kim at Isip Bata kids, at marami pang iba sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Maki-"hello madlang people, mabuhay" sa kiddie dance hits hatawan mula sa cute "It's Showtime" chikiting na sina Argus, Kulot, Jaze, Lucas, at Imogen kasama ang ASAP dance royalty na si Kim Chiu.
Makikisaya rin ang Isip Bata chikiting kasama ang kiddie contestants ng "The Voice Kids" Season 5 na sina Fabio, Rafa, Kendall, Rai, at Giuliana pati ang OPM icons na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasabay sina Karina Bautista, Krystal Brimner at ang buong ASAP family with Robi Domingo.
Damang-dama rin ang init sa birthday pasabog ni Chie Filomeno kasama sina Jameson Blake, Joao Constancia, at Edward Barber, habang may back-to-back hatawan din sina AC Bonifacio at OG dance idol Shaina Magdayao.
Todo-todo muli ang P-Pop vibes sa ASAP stage sa total collab nina Darren, AC, at Kyle Echarri kasama ang PLUUS, Calista, at 1st.One. May senti kantahan naman sina Ogie at Erik Santos kasabay sina Anji Salvacion, Kice, Angela Ken, at Jeremy G.
Abangan din ang pinaka-fresh na performances on stage, tampok ang rakrakan session ng bandang LILY, bagong single act ni Khimo Gumatay, at nakakakilig na duet mula sa "Third World Romance" stars na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.
Balikan naman natin ang musika ni Elton John sa all-champions medley tapatan nina Morissette, Jona, Jed Madela, Klarisse de Guzman, ANNRAIN, Fana, Khimo, JM Yosures, Sam Mangubat, Sheena Belarmino, Katrina Velarde, Lyka Estrella, Marielle Montellano, Bituin Escalante, Lara Maigue, at Angeline Quinto.
Sanib-pwersa muli sina Coach Bamboo at "The Voice Kids" Season 5 winner na si Shane Bernabe para sa kanilang collab performance kasama si Coach Martin, habang hindi rin pahuhuli ang matinding biritan nina Morissette at Asia's Songbird Regine Velasquez.
At makikanta rin sa mga bigating duet nina Gary V, Martin, Zsa Zsa, Erik, Angeline, Morissette, Jona, Nina, Klarisse, Darren, Ogie, at Regine sa "The Greatest Showdown."
Mapa-bata man o matanda, lahat magsasaya sa panibagong all-star concert experience ng longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.