"Stars on Stars" features couple John Prats and Isabel Oli for its pilot episode.
Mag-asawang John Prats at Isabel Oli, nagbalik-tanaw sa nakaraan
No holds barred na harapan at tanungan ang bibida sa “Stars on Stars,” ang bagong online talk show na walang host na napapanood na ngayon sa Jeepney TV YouTube channel.
Tampok sa
pilot episode ng programa ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli na kwelang nagbato ng mga nakaka-intrigang tanong sa isa’t isa para madiskubre ang mga bagay-bagay na hindi pa nila alam walong taon pagkatapos nilang ikasal.
“Perfect yung questions na na-prepare. Dahil pagka sa’yo galing parang feeling mo dahil matagal na kaming magkasama, almost 10 years, parang kilala-kilala ko na siya. When you ask these certain questions na binigay, oo nga no, gusto ko palang malaman ito about her,” kwento ni John sa kanyang karanasan bilang unang guest sa “Stars on Stars.”
Samantala, ibinahagi naman ni Isabel ang pinakamahirap na tanong na sinubukan niyang sagutin sa programa. “Yung turning point siguro talaga. Kailan ko ba talaga naisip na siya [John] na talaga or na bigyan ko siya ng chance,” aniya tungkol sa tanong na kung ano ang naging turning point sa kanyang buhay na nagpa-realize sa kanya na si John na talaga ang ‘the one.’
Buwan-buwan, magtatampok ang “Stars on Stars” ng mga artista na makikipag-kwentuhan sa isa’t isa at maglalatag ng mga tanong na nananabik silang masagot.
Ilan sa mga tinalakay nina John at Isabel ang kung paano sila nagkatuluyan, ang naging adjustment nila pagkatapos ikasal, at hiling nila sa hinaharap.
Tinanong din ng Kapamilya actor-director ang kanyang asawa kung may pagsisisi ito sa pagsantabi ng kanyang karera sa showbiz para sa pamilya, habang nilinaw naman ni Isabel kung namimiss ba ng kanyang asawa ang maging single at kung chick boy ba talaga siya noong binata pa.
Kilalaning higit ang inyong mga paboritong artista sa “Stars on Stars” na maglalabas ng bagong episode tuwing ikalawang Sabado kada buwan sa
Jeepney TV YouTube channel.
Mapapanood ang Jeepney TV sa SKY Cable ch. 9, Cignal ch. 44, GSat ch. 55, at SatLite ch. 37. Para manatiling updated, sundan ang Jeepney TV sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
Tiktok at mag-subscribe sa
YouTube channel nito.