Nag-uumapaw sa saya ang puso ni Maymay Entrata sa kanyang bagong labas na awitin na tinawag na “
Tsada Mahigugma.”
Galing ang titulo ng kanta sa Bisaya phrase na nangangahulugang ‘It feels great to be in love.’ Hatid din ng awitin ang mensahe na magtiyaga lamang sa paghihintay na dumating ang tamang pag-ibig.
“Ang sarap po magmahal, di ba po? ‘Tsada’ could be wonderful, maganda, masarap, gwapa, gwapo, tapos ‘mahigugma’ is love. Ibig sabihin po nito, it’s good to feel love and feel loved,” paliwanag ni Maymay nang una niya itong inawit bilang surprise number sa 1MX London Music Festival nitong nakaraang buwan.
Si Maymay mismo ang nagprodyus ng kanta kasama si Star Pop label head Rox Santos. Si CJ Kaamiño naman ang sumulat ng awitin habang si Justin Catalan ang nag-areglo at si Theo Martel ang nag-mix at master nito.
Sinundan ng “Tsada Mahigugma” ang hit song ni Maymay na “Autodeadma” kung saan tampok bilang featured artist ang Korean singer na si Wooseok ng grupong Pentagon.
Napapakinggan na ngayon ang “Tsada Mahigugma” sa iba’t ibang
digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
Tiktok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
Tiktok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.