“An Inconvenient Love” ng DonBelle at “Everybody, Sing!” ni Vice Ganda, nanalo ng Gold Awards
Nag-uwi ang ABS-CBN, ang nangungunang content provider sa bansa, ng pinakamaraming parangal sa lahat ng mga nominado mula sa Pilipinas sa ContentAsia Awards 2023 na ginanap sa Bangkok, Thailand.
Panalo ang community singing game show ng ABS-CBN na “Everybody, Sing!”, na hino-host ni Vice Ganda at “An Inconvenient Love” ng Star Cinema, na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, ng Best Asian Original Game Show at Best Asian Feature Film/Telemovie sa ang ContentAsia Awards 2023 na ginanap sa Bangkok, Thailand.
“Tingnan mo nga naman, when it rains, it pours. Ang daming good news. Ang taray ng “Everybody, Sing!”, puro international awards ang napapanalunan at nano-nominate. I’m just so happy. Ang daming winning moment,” sabi ni Vice Ganda sa kanyang Instagram live pagkatapos ng awarding ceremony upang magpahatid ng pasasalamat.
Samantala, nakuha naman ng Kapamilya hit series na “Dirty Linen” ang Silver Award para sa Best Asian Drama for a Single Market in Asia, habang ang Philippine adaptation ng “Flower of Evil” ay nasungkit ang Bronze Award para sa Best TV Format Adaptation (Scripted) sa Asia.
Kumatawan sa kumpanya ang Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal, ABS-CBN International Production head na si Ruel Bayani, at ang ABS-CBN Entertainment Business Unit heads na sina Kylie Manalo-Balagtas, Marcus Joseph Vinuya, at Carlina dela Merced noong gabi ng parangal.
Ang ContentAsia Awards ay pagmamay-ari at pinamamahalaan ng ContentAsia, isang platform na itinatag upang magbigay ng impormasyon ukol sa industriya ng pamamahayag at sining ng Asia. Layon ng ContentAsia Awards na bigyang-pugay ang mga media at productions na tumutulong mapalaganap ang Asian content sa buong mundo.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.