Theme song ng pageant na “Kumikinang,” handog ng ABS-CBN Music
Magsasama ang ABS-CBN at Silka para sa inaabangang “Binibining Silka 2023,” ang beauty pageant na naghahanap ng pinaka-kumikinang na Pinay sa pagbabalik nito matapos ang apat na taon.
“This year, we believe that it’s the best year to actually relaunch Miss Silka with its new title Binibining Silka. It will be bigger and bolder and a pageant like you’ve never seen before because it’s Silka with ABS-CBN,” ayon kay Silka senior brand manager Eunice de Belen.
Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang sumulat ng pageant theme song na tatawaging “Kumikinang.” Aawitin ito ng Kapamilya artist na si Angeline Quinto.
“Yung lyrics ng song embodies kung ano ang hinahanap natin sa isang Binibining Silka,” ani Jonathan.
Ang ABS-CBN Regional kasama ang ABS-CBN Events ang magproprodyus ng regional leg ng pageant, na magsisimula sa Bicol sa August 5, Dagupan (North Luzon) sa Aug. 12, Ilocos sa Aug. 19, at Palawan sa Aug. 26.
Magpapatuloy ang regional competition sa Western Visayas sa Sept. 2, Pampanga (Central Luzon) sa Sept. 3, Northern Mindanao sa Sept. 16, Batangas (Southern Tagalog) sa Sept. 17, Central Eastern Visayas sa Sept. 23, Southern Mindanao sa Sept. 30, Western Mindanap sa Oct. 17, at National Capital Region sa Oct. 14.
Sa darating na Oct. 29 naman magaganap ang grand coronation night na pangungunahan din ng ABS-CBN Events. Ang tatanghaling winner ay makakatanggap ng P500,000 cash prize at pagkakataon na mapanood sa mga programa ng ABS-CBN.
Nagsimula ang Binibining Silka bilang maliit na patimpalak taong 2008 bago ito naipalaganap sa buong bansa noong 2009. Huling ginanap ang pageant noong 2019.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.