Todo-todo ang rakrakan sa ASAP stage sa bigating all-Pinoy rockfest mula sa paborito ninyong mga banda at Kapamilya stars ngayong Linggo (Agosto 6) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Simulan ang all-star band fest sa Pinoy rock hits kantahan ng Imago, 6cyclemind, Magnus Haven, Nobita, at Sandwich kasama sina Morissette, Erik Santos, at ang buong ASAP family with Robi Domingo.
Maki-throwback naman kasama ang Side A na sasabayan din ng kanilang all-time hits tapatan mula kina Jona, Jed Madela, Klarisse de Guzman, Khimo Gumatay, Sam Mangubat, JM Yosures, Reiven Umali, Fana, Lyka Estrella, Sheena Belarmino, Katrina Velarde, at Angeline Quinto.
Tuloy-tuloy ang rock fever sa nag-iinit na collabs tampok ang ilan sa trending na banda ngayon, tulad ng senti session ng The Juans kasama ang Asia's Songbird Regine Velasquez, at jamming ng Sunkissed Lola kasabay ang soulful divas na sina Zsa Zsa Padilla at Nina pati young artists na sina Anji Salvacion, Angela Ken, Kice, at Jeremy G.
Hindi rin pahuhuli ang total performance nina Asia's Pop Heartthrob Darren at certified rakista na si Bamboo kasama ang Six Part Invention.
Maliban sa all-star rockfest, may matinding sayawan ding magaganap sa ASAP stage, tampok ang nagbabagang "Clash Dance" tapatan nina Chie Filomeno at Toni Fowler, pati ang disco dance-off nina AC Bonifacio, Jameson Blake, Joao Constancia, Karina Bautista, at Edward Barber kasama ang Banda ni Kleggy.
Samantala, maki-celebrate naman sa kaarawan ng nag-iisang Mr. Pure Energy, Gary Valenciano.
At abangan ang 30th anniversary celebration ng bandang South Border kasama sina Gary V, Zsa Zsa, Erik, Ogie, Regine, at Martin Nievera sa "The Greatest Showdown."
Talagang rakrakan to-the-max ang hatid ng longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.