Bernadette, magbibigay-saya sa mga bata sa Caloocan ngayong Linggo
Ano nga ba ang nangyayari sa likod ng mga eksena ng isang musical?
Ipapakita ng ABS-CBN reporter na si Jervis Manahan ang mga sari-saring kaganapan sa pinakabagong pagtatanghal ng “Rama Hari,” isang musical na hango sa Sanskrit epic na "Ramayana," sa “Tao Po” ngayong Linggo (Setyembre 17).
Itatampok din ni Jervis si Arman Ferrer, na gumaganap bilang Rama sa kuwento, habang ihahantad ang mga nangyayari sa rehearsals at backstage. Ipapalabas ang musical, sa pagtutulungan ng limang national artists, sa Metropolitan Theater at Samsung Performing Arts Theater sa dalawang magkasunod na weekend.
Samantala, magdadala ng tulong si Kabayan Noli De Castro sa mga biktima ng oil spill sa Mindoro na hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin ang epekto ng insidente. Bibigyan din niya ng liwanag ang kuwento ng mangingisdang si Mamerto "Ka Mameng" De Mesa, na nawalan ng anak habang naghahanap ng tulong, at ang kanyang pang-araw-araw na pinagdaraanan kasama ang kanyang dalawang ulilang apo.
Sa kabilang banda, masasaksihan ng mga manonood si Bernadette Sembrano na makikipagkwentuhan kasama ang mga bata sa isang maliit na komunidad sa North Caloocan. Itatampok din niya ang part-time na guro na si Lawrence Cusipag, na nagsimula sa "Books and Bread", isang community library kung saan tinuturuan niyang magbasa ang mga bata at nagbibigay ng mga meryenda bilang insentibo.
Huwag palampasin ang mga kwento ng inspirasyon sa “Tao Po” kasama sina tuwing Linggo simula 6:15 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live, at iba pang ABS-CBN News online platforms.
Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.