News Releases

English | Tagalog

Darren, "Bibitaw Na?"

September 15, 2023 AT 09 : 55 AM

Darren's latest single "Bibitaw Na" marks his first music release under Star Music.

Unang single ni Darren sa Star Music

Pagbangon mula sa negatibong bagay sa buhay at toxic relationships ang ibinahagi ng Asia's Pop Hearthrob na si Darren sa kanyang bagong single na “Bibitaw Na.”
 
“This is an anthem for those who have healed from past relationships with a toxic environment. It’s about moving forward and having the sense of release from all the negativity they endured in the past,” saad ni Darren na unang pinerform ang kanta nang live sa “ASAP Natin ‘To Milan” noong Linggo (Setyembre 10). 
 
Siya mismo ang sumulat ng awitin habang iprinodyus naman ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo. Ito rin ang unang single ni Darren sa ilalim ng Star Music.
 
Kwento pa niya, naging inspirasyon ni Darren ang iba’t ibang kwento ng pag-ibig mula sa kanyang mga kaibigan.
 
“I personally don’t relate to the song, but I wrote it for those who have found them in the same light. It started out as a joke for my friends who recently came from breakups, ewan ko kung anong meron sa mundo no’ng mga panahon na ‘yon kasi halos sabay-sabay sila, but I continued writing it and this is the outcome,” aniya.
 
Unang nakilala ang Filipino-Canadian singer nang sumali ito sa unang season ng “The Voice Kids Philippines” kung saan nanalo siya bilang first runner-up sa ilalim ng coach na si Sarah Geronimo. Matapos ang kanyang “The Voice Kids PH” journey, naging kilala si Darren sa kanyang hit singles na “In Love Ako Sayo,” “7 Minutes,” “Dying Inside To Hold You,” at marami pang iba. Nakapaglabas din siya ng dalawang platinum-selling studio albums na “Darren” at “Be With Me.”
 
Makisayaw sa tinig ng bagong awitin ni Darren na “Bibitaw Na” na napapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE