Karen at Migs, nakipag-chikahan sa mga kababayan sa Australia
Masarap na kwentuhan tungkol sa pagkain ang dapat abangan ng viewers dahil itatampok nina Karen Davila at Migs Bustos ang tatlong Pilipino na nakapagpundar ng sariling restaurants sa Australia sa “My Puhunan” ngayong Linggo (Setyembre 3).
Kikilalanin ni Karen si Will Mahusay, isang Pinoy na higit na tatlong dekada nang naninirahan sa Australia. Dahil na-miss na niya ang lechon na paboritong pagkaing Pinoy, naisipan niyang gawin itong negosyo sa pamamagitan ng “Sydney Cebu Lechon” restaurant.
Samantala, itatampok naman ni Karen si Kim Cudia, na mula sa Canberra, na gumamit naman ang puhunang 50 Australian dollars o halos dalawang libong piso para sa negosyong ensaymada. Hindi niya inakala na mapapalago niya ang simpleng puhunan. Ngayon, mayroon na siyang “Lolo and Lola” restaurant, kung saan abot 200 hanggang 300 katao ang bumibisita kada araw.
Bibisitahin din ni Migs si Ross Magnaye, na taga Melbourne, na hindi rin inakalang magiging chef siya sa Australia. Si Ross, na sumali rin sa MasterChef Australia, ay may-ari na ngayon ng “Serai” na kinilala bilang “Restaurant of the Year” at “Best Casual Dining Venue” ng Time Out Magazine.
Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos tuwing Linggo, 9:30 a.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.