Bonggang pre-show performances ang ihahatid ng Kapamilya artists na sina Cesca, Maki, Nameless Kids, at Sab sa inaabangang “ON Music Festival” na gaganapin sa Nobyembre 3 (Biyernes) sa Mall of Asia Arena.
Susundan ito ng main show na talaga namang ka-abang-abang tampok ang mga tinitingalang OPM at K-pop acts na sina SUHO ng grupong EXO, wave to earth, MeloMance, Seori, Ben&Ben, Adie, Darren, at Moira Dela Torre.
Tiyak na all-out performance ang mapapanood sa 40 minutong set ng bawat featured artist na sasamahan ng live band. Inaasahang aabot sa walong oras ang kasiyahan ng musika at magbubukas ito sa ganap na 12nn.
Nakatakda rin ilabas ng "ON Music Festival" ang
queueing system para sa standing tickets. Maaaring hindi sumali sa queueing system ang standing ticket holders ngunit bibigyang prayoridad ang may queueing numbers sa pagpasok sa venue. Maaari naman pumasok sa venue sa mas late na oras hangga't mayroong ticket.
Iba’t ibang
ticket benefits din ang naghihintay para sa mga piling manonood. Para sa floor A ticket holders, magkakaroon sila ng exclusive photocard set, exclusive photo booth na may ON Music Festival frame, VIP lounge access, food and beverage coupons, exclusive merchandise, at general merchandise discount coupons. Ang floor B ticket holders naman ay bibigyan ng exclusive photocard set, photo booth access, food and beverage coupons, exclusive merchandise, at general merchandise discount coupons. Samantala, ang nasa lower box A at B naman ay magkakaroon ng exclusive photo booth access at general merchandise discount coupons.
Mabibili ang tickets sa “ON Music Festival” sa halagang P14,500 (floor standing A), P13,500 (floor standing B), P12,500 (lower box A), P11,500 (lower box B), P4,500 (upper box), at P1,000 (general admission) sa iba’t ibang SM Tickets outlet, sa selected SM Cinema, SM Store (customer service), SM Bowling, SM Skating, Eastwood Mall, Lucky Chinatown Mall concierge, SM Mall of Asia Arena Coral ticket booth, at online sa smtickets.com.
'Wag palampasin ang selebrasyon ng diversity ng musika sa “ON Music Festival” na mula sa produksyon ng ABS-CBN Events at KAMP.
Para sa iba pang impormasyon, sundan ang “ON Music Festival” sa Instagram (
onfestival_official), Facebook (
onfestival.official), at X/Twitter (
onfestival_) or bisitahin ang
www.on-festival.com.