Hango sa kwento ng dating pag-ibig
Inilabas na ni “Idol Philippines” season 2 winner KHIMO ang kanyang R&B/ soul single na “Happy Ending” na nabuo mula sa kwento ng dating long-distance relationship na meron siya.
“Nag-start yung love story naming dalawa noon dahil sa common friends namin na nasa LDR at nasa meltdown phase na sila. Bale yung lalaki tropa ko, yung babae friend niya,” pagbabahagi niya. “Tinanong niya ako kung ano bang mga trait ng kaibigan ko, and I asked the same thing to her bakit nagkakalabuan sila. That discussion turned into a conversation, and that conversation turned into our love story.”
Ayon sa baguhang Kapamilya singer, dahil sa pangyayaring ito, nagkaroon na sila ng malalim na ugnayan.
“Hanggang sa nagbreak yung mga kaibigan namin. And from that we got our lesson na ‘hindi tayo tutulad sa kanila kahit magkalayo tayo’ and ayun, naging kami in the end kaya ‘Happy Ending.’”
Sinulat ni KHIMO ang Taglish song katulong sina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na siya ring nagprodyus nito, Jeremy Glinoga, at Star Pop label head Rox Santos.
Sinusundan ng “Happy Ending” ang debut single ni KHIMO na “Nasunog” na inilabas niya noong Hulyo. Magiging bahagi ang dalawang awitin ng kanyang ilulunsad na album sa ilalim ng Star Music.
Pakinggan ang “Happy Ending” ni KHIMO na available na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.