Very good ang opening day ng “A Very Good Girl” ng ABS-CBN Films dahil agad itong nakapagtala ng higit P10 milyon sa unang araw nito sa mga sinehan.
Ayon sa ABS-CBN Films, nakapagbenta ang “A Very Good Girl” ng higit 32,000 tickets kaya naman ito ang pinakamalaking Filipino movie ng taon.
Sinigurado naman ng mga bidang sina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon na pasalamatan ang fans at moviegoers sa pagbisita nila sa iba’t ibang sinehan sa Metro Manila noong opening day (Setyembre 27) ng pelikula.
Sunod na pupunta sina Kathryn at Dolly sa US para naman daluhan ang Hollywood premiere ng “A Very Good Girl” ngayong Oktubre 4 sa The Silver Screen sa Pacific Design Theater sa Los Angeles, California. Magsisimula naman ang US theatrical screenings ng pelikula sa Oktubre 6.
Bukod sa US, mapapanood din ang “A Very Good Girl” sa Oktubre sa Canada, New Zealand, Australia, Guam at Saipan, Hong Kong, Singapore, Malaysia, Cambodia, Nigeria, at Middle East.
Bukod kay Kathryn at Dolly, tampok din sa cast ng “A Very Good Girl” sina Chie Filomeno, Jake Ejercito, Gillian Vicencio, Kaori Oinuma, Ana Abad Santos, Nour Hooshmand, Donna Cariaga, Althea Ruedas, Nathania Guerrero, at Angel Aquino.
Kilalanin na sina Philo (Kathryn) at Mother Molly (Dolly) sa “A Very Good Girl.” Para sa ibang updates tungkol sa pelikula, i-follow ang ABS-CBN Films sa Facebook, X, TikTok, Instagram, at Threads.
Para naman sa ibang balita, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, TikTok, Instagram, and Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.