Bryan Chong shares a story of unrequited love in new single "Di Pa Ba Sapat."
Tungkol sa pag-ibig na hindi nasuklian ang bagong awitin ng dating “Idol Philippines” season 2 finalist na si Bryan Chong na “
Di Pa Ba Sapat” na mapapakinggan ngayong Biyernes (Setyembre 8).
“Lahat ng tao makaka-relate sa song na ‘to kasi tayong mga tao mahilig magmahal, hobby na natin ‘yan pero nakakalimutan natin yung mga bagay na importante. Hindi lahat tayo marunong mag-communicate sa taong mahal natin, hindi natin nalalaman kung tama ba yung pagmamahal natin, kung sapat ba, at kung naaayon ba kasi ang alam natin basta nagmamahal ka tama na ‘yon pero sa word na love ang dami mong kailangang i-consider,” saad ni Bryan.
Nang marinig palang niya ang awitin, nagustuhan agad ni Bryan ang mensahe nito at nakikita niya rin ito na magiging magandang awitin para sa mga pelikula.
“Naisip ko pa na pag sumikat itong song, ang sarap niya gamitin sa movies,” aniya.
Isinulat ni Ralph Maligro ang awitin habang iprinodyus naman ito ng Star Pop label head na si Roque “Rox” Santos.
Nagsimula ang journey ni Bryan nang sumali siya sa unang season ng “The Voice Teens Philippines” noong 2017 kung saan napahanga niya ang mga manonood at maging ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang blind auditions performance ng “Kahit Kailan.” Muli siyang sumabak sa isa pang Kapamilya singing competition nang makasama siya sa ikalawang season ng “Idol Philippines” at naging isa sa grand finalists nito noong nakaraang taon. Sa kasalukuyan, nakapaglabas siya ng iba’t ibang awitin sa ilalim ng Star Pop tulad ng “
Mag-iisa” at “
Cut Into Pieces.”
Pakinggan ang bagong awitin ni Bryan na “Di Pa Ba Sapat” na available sa iba’t ibang music streaming platforms ngayong Biyernes. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.