News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, naghahanap ng bagong Gen Z stars sa "Zoomers"

January 11, 2024 AT 10 : 24 AM

Star Magic artists, magpapakitang gilas para mapabilang sa bagong online Kapamilya serye...

Bagong taon at bagong batch ng Gen Z stars ang mabibigyan ng oportunidad makilala ng manonood sa " Zoomers" na mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TFC, at TV5 simula Lunes (Enero 15).

Sa "Zoomers," susuriin at kikilatisin nina ABS-CBN Star Magic at TV production head Laurenti Dyogi na kilala bilang star maker at dating jury sa Star Circle Quest, blockbuster director Theodore Boborol, at "He's Into Her" director Chad Vidanes ang bawat teen star para malaman kung sino ang perfect na bumida sa pinakabagong youth oriented show ng ABS-CBN na may kaparehas nitong titulo.

Ibinahagi ni Direk Lauren kung ano ang layunin nang nasabing auditions pati na ang kanyang mga hinahanap sa mga artistang susubok, "Ang importante sa atin is makuha yung authentic. Sana yung persona at essence nung karakter at nung tao magmatch."

Sa unang pasabog ng ABS-CBN ngayong 2024, lakas loob na tinanggap ng teen stars na sina Harvey Bautista, Criza Taa, Analain Salvador, Ashton Salvador, at Luke Alford ang hamon para mag-audition sa roles ng main characters ng "Zoomers" na sina  Jiggs, Hope, Kokoy, Atom, at Tania.

Susubukan din ng ilang Star Magic artists na sina Ralph De Leon, Krystl Ball, Erika Davis, Luis Vera Perez, Kei Kurosawa, Hadiyah Santos, Redd Arcega, Noelle Martinex,  Reich Alim pati na ang ilang ex- Dream Chasers na sina Jay-R Albino, Matthew Cruz, Omar Udin na makuha ang loob nina Direk Lauren, Direk Ted, at Direk Chad para makapasok sa bagong youth oriented series.

Sa loob ng limang episodes, dadaan ang nasabing Star Magic artists sa matitinding pagsubok sa pag-judge ng. Kilalanin ang bawat isa sa kanila at alamin kung sino sa kanila ang mapapabilang sa cast ng bagong ABS-CBN youth-oriented series na agad-agad din naman mapapanood ng viewers sa Enero 22 (Monday).

Huwag palampasin ang kaabang-abang na "Zoomers," pagkatapos ng "Senior High" simula Enero 15 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TFC, at TV5. Available din ang full episodes nito sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.