Mas maraming madlang people ang patuloy na sumusubaybay at sinasamahan ang pamilya ng "It's Showtime" dahil sa kanilang hit at bagong segments na "EXpecially For You" at "Karaokids" kaya naman tumabo na sa higit 200,000 ang kanilang peak online views at consistent din sila sa trending list araw-araw.
Umaapaw nga ang positive feedback na natatanggap ng "It's Showtime" sa parehas nitong bagong segments. Labis ngang kinasasaya ng netizens ang masayang paghuhula ng "It's Showtime" hosts sa titulo ng mga pine-perform ng kids sa "Karaokids" samantalang binigyan diin nila ang nabibigay na aral at leksyon ng mga storya ng dating magkasintahan sa "EXpecially For You" pati na rin sa mga diskusyon mismo ng hosts ng programa.
Dahil sa pagiging invested ng viewers sa "Expecially For You," mas pinadali na ng programa ang pagshe-share ng madlang people ng kanilang love stories sa pamamagitan ng "Expecial Files." Nasa kanila ang desisyon kung ishe-share nila ito anonymously at payagan ang "It's Showtime" na ipost ito sa kanilang social media accounts o mapabilang sa possible ex-couples na mapapanood ng live sa studio.
Bukod naman sa kinagigiliwang bagong segments, inaabangan na rin ng madlang people ang bagong kampeon na kanilang makikilala sa susunod na linggo. Huwag palampasin kung sino-sino sa natitirang semifinalists ang matitira at maghaharap-harap sa nalalapit na 'Huling Tapatan' ng ikapitong season ng "Tawag ng Tanghalan."
Makisaya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 11:30 AM mula Lunes hanggang Biyernes, at 12 NN tuwing Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, GTV, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang "Showtime Online U" sa YouTube channel ng "It's Showtime."
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.