News Releases

English | Tagalog

Masayang chikahan at biruan nina Doris at Eric Nicolas, tampok sa "Tao Po"

January 19, 2024 AT 07 : 57 PM

Mutya ng Masa Doris Bigornia sits down with ‘Komikero ng Masa’ Eric Nicolas as the Kapamilya journalist learns more about the comedian’s life beyond the laughter and jokes in “Tao Po” this Sunday (Jan 21).

Bernadette at Kabayan, may itatampok na inspiring Pinoys

 
Aapaw ang good vibes ngayong Linggo dahil sa kuwentuhan nina Mutya ng Masa Doris Bigornia at ‘Komikero ng Masa’ Eric Nicolas, kung saan makikilala pa ng Kapamilya reporter ang buhay ng komedyante sa likod ng kanyang mga biro sa “Tao Po” ngayong Enero 21.
 
Kilala bilang komikero si Eric, pero ibabahagi rin niya kay Doris ang iba pa niyang pinagkakaabalahan sa buhay told ng pagiging animator, singer, at isang fur parent. Ilalahad din ni eric kay Doris ang mga hamon na hinarap niya sa buhay na mas nagpatatag sa kanya.
 
Biyaheng Muntinlupa naman si Bernadette Sembrano ngayong Linggo para pumunta sa SOS Children’s Village, isang pasilidad na nag-aalaga sa mga inabandonang mga bata. Dito makikilala ni Bernadette si Mama Rochelle, isang SOS Mom na nag-aaruga sa walong bata. Malalaman din ni Bernadette kung bakit naglalaan ng oras at pagmamahal sa mga batang walang natatawag na ina.
 
Samantala, muling bibisitahin ni Kabayan Noli de Castro si Jolito Tabucanon, isang 60-anyos na pandesal street vendor na kanyang nakilala na noong nakaraang taon. Kukumustahin ni Kabayan ang kalagayan ni Jolito na hirap ng makakita dahil sa cataracts at magbibigay din si Kabayan ng updates tungkol sa nalalapit na operasyon sa mata ni Jolito.
 
 
Panoorin ang mga kwento ng pag-asa at inspirasyon na ito ngayong Linggo (Enero 21) sa “Tao Po” tuwing 2:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN News YT Channel, at sa news.abs-cbn.com.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.