News Releases

English | Tagalog

Ruby Ruiz sumabak sa Hollywood series kasama si Nicole Kidman

January 24, 2024 AT 11 : 26 AM

Apart from Ruby, her “Linlang” co-stars, Kim Chiu, Paulo Avelino, and JM De Guzman, have also been making waves online after “Linlang: The Teleserye Version” premiered on January 22

Co-stars ni Ruby sa “Linlang: The Teleserye Version” trending!

Ramdam na ramdam ang Pinoy pride para sa isa sa mga bida ng “Linlang” na si Ruby Ruiz dahil pinagbibidahan niya ang Amazon Prime Video series na “Expats” kasama ang Hollywood star na si Nicole Kidman. 

Parehong dumalo sina Ruby at Nicole sa star-studded premiere night ng “Expats” na ginanap sa New York City kamakailan.

Tinawag ng netizens na “pang-international” ang galing ni Ruby bilang aktres dahil bukod sa role niya bilang isang nanny sa “Expats,” puring-puri rin siya bilang ang mapagmahal na Lola Pilar sa global hit series na “Linlang” ng ABS-CBN. 

Samantala, usap-usapan ang pilot episode ng “Linlang: The Teleserye Version” noong Lunes (Enero 22) matapos itong makakuha ng iba’t ibang trending topics sa social media at magtala ng 367,069 live concurrent views sa Kapamilya Online Live.

Ikinatuwa ng netizens ang napanood nilang never-before-seen scenes at inaabangan na rin nila ang mas nakakagigil na mga rebelasyon tampok ang mga karakter nina Kim Chiu, Paulo Avelino, at JM De Guzman. 

“Tama nga na mas maiintndhan ung teleserye version. kung ano mga pinaghuhugutan nila.. Goodboy naman pala tong si Alex e. To palang si Victor basag ulo e malakas amats! @mepauloavelino pero pogi pa dn! Si amelia lang talaga ang nakakagigil! #LinlangPasabog,” post ni @juana78902023 sa X (formerly Twitter).

“Lakas ng trip niyo ngayon gabi #LinlangPasabog. Juliana at Victor Kung gaano kayo katamis ganon din kayo ka mapanakit. Sobra nyo pinaglaruan damdamin ko ngayong gabi. Congratulations, Team Linlang!” sabi ni @Mahalo29376895. 

Sagarin ang gigil sa panonood ng “Linlang: The Teleserye Version” gabi-gabi ng 8:45 PM pagkatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Linlang: The Teleserye Version.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.