News Releases

English | Tagalog

Belle, puno ng emosyon sa bagong EP na "And Solemn"

January 31, 2024 AT 08 : 43 AM

“The Solemn” album launch, patok sa fans!

Puno ng pagmamahal, pag-asa, at determinasyon ang mensahe ni Belle Mariano sa kanyang bagong EP na “And Solemn” na kanyang inilunsad sa isang album launch na ginanap noong Sabado (Enero 27) sa SM City North Edsa Skydome.

Tampok sa EP ang limang bagong awitin kasama ang key track na “Nobody Else” na isinulat ni KZ Tandingan na nagkukuwento ng kagustuhan na ilaan ang buong buhay para makasama ang taong minamahal.

Kabilang din sa “Ang Solemn” ang “Walang Pake” na isinulat ni Trisha Denise, “Shot Me Right Through” na isinulat ni Angelica Tagadtad, “I Choose Me” na isinulat ni Anjila Lim, at ang kolaborasyon ni Belle at bandang Ben&Ben na “Autumn” na isinulat nina Paolo Benjamin G.. Guico at Miguel Benjamin G. Guico na naging bahagi ng soundtrack ng “Can’t Buy Me Love.” Iprinodyus naman ni Belle mismo ang lahat ng awitin kasama ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.

Ang “And Solemn” EP ang siyang bumubuo sa two-part album ni Belle na inanunsyo noong 2023. 

Sa naganap na “The Solemn Album Launch” noong Sabado, natanggap ni Belle ang Lullaby Artist Award mula sa Spotify. Ipinahayag din niya ang pasasalamat para sa oportunidad na maibahagi ang kanyang pagmamahal sa musika.

“Creating music is a way for me to express myself, I saw it as an art, ang ganda niyang boses. Thank you so much sa lahat ng nagmamahal at sa lahat ng nagtatangkilik Filipino music, maraming-maraming salamat po,” ani Belle.

Dumalo rin sa album launch sina StarPop label head Roque “Rox” Santos, ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo, at ABS-CBN Music head Roxy Liquigan na ibinahagi ang surpresang birthday concert ni Belle ngayong Hunyo.

Pakinggan ang bagong EP ni Belle na “And Solemn” na available sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE