News Releases

English | Tagalog

Karen at Migs, itatampok ang iba't ibang matagumpay na negosyo sa Quiapo sa "My Puhunan"

January 05, 2024 AT 01 : 08 PM

Karen Davila and Migs Bustos are giving viewers a tour of Quiapo in time for the feast of the Black Nazarene as they get to know various entrepreneurs based in the iconic Manila district who have rich and inspiring stories to tell in a new episode of “My Puhunan” this Saturday (Jan 6).

Ngayong papalapit na kapistahan ng Itim na Nazareno 

 

Dadalhin nina Karen Davila at Migs Bustos ang viewers sa isang tour sa Quiapo ngayong papalapit na kapistahan ng Itim na Nazareno dahil kikilalanin nila ang iba’t ibang mga negosyante sa sikat na distrito ng Maynila na may mga makabuluhang kwento sa bagong episode ng “My Puhunan” ngayong Sabado (Enero 6). 

 

Makakausap ni Migs si Emylita Yabut, isang deboto ng Poong Nazareno at nagpapatakbo sa 80 taong sikat na kainan ng palabok sa Quiapo. Malalaman ni Migs kung ano ang sikreto kung bakit patuloy na tinatangkilik ng publiko ang kanilang munting kainan na nagbigay-yaman sa kanilang pamilya. 

 

Ipapakita naman ni Karen ang bilihan ng dragon fruit juice malapit sa Quiapo Church na patok na kabuhayan nina Shiela at Reymond Magarso na patuloy na nagte-trending sa social media. Iiikot rin tayo ni Karen sa kilalang bilihan ng samu’t saring handicrafts na matatagpuan sa ilalim ng tulay sa may Quiapo na binebenta ng iba’t ibang sellers na matagal na ring nagtitinda sa lugar. 

 

 

Tampok din sa “My Puhunan” sa Sabado ang pagkaing pasulbot na mula pa sa probinsya ng Quezon na dinala nina April at Marlon Banagan sa Quiapo noong 2023 at ngayon ay unti-unting nagiging popular sa social media. 

Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms. 
 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.    

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE