News Releases

English | Tagalog

Housemates, pinangalanan ang karapat-dapat maging Big Winner sa huling dalawang linggo ng "PBB Gen 11"

October 11, 2024 AT 04 : 48 PM

As the Housemates continue to fight for their rightful spot in the Big 4, Kuya ups the ante by testing them anew in a series of tasks with his "Tatlong Big Payanig"

Eviction ni Binsoy, tumabo ng mahigit 621,000 concurrent views sa Kapamilya Online Live

Mas humihigpit pa ang kompetisyon para sa anim na natitirang "Pinoy Big Brother Gen 11" Housemates, kung saan inatasan sila ni Kuya na pumili kung sino sa kanila ang karapat-dapat maging susunod na Big Winner sa huling dalawang linggo ng patok na reality show ng ABS-CBN.

Rumagasa ang pagsubok para sa mga Housemate na sina Fyang, JM, JP, Kolette, Rain, at Kai matapos unang mapasabak kontra sa House Challengers na sina Jas, Dingdong, Patrick, Jarren, at Therese. Kapag nagtagumpay umano ang House Challengers sa kanilang head-to-head tasks ay maaaring malagay sa alanganin ang Big 4 dreams ng natitirang Housemates. Subalit, inamin ni Kuya na pagsubok lamang ito para lang maipamalas ang kanilang tunay na sarili sa nalalabing linggo ng kompetisyon.

Matapos nito ay inatasan naman ni Kuya isa-isa ang Housemates na i-ranggo kung sino sa tingin nila ang magiging susunod na Big Winner. Tinugon ng lahat ang kanilang sarili bilang most deserving magwagi, maliban kay Rain na naniniwalang si Kai ang karapat-dapat na magwagi sa PBB Gen 11.

Kasabay nito, kung sino naman daw ang pupwesto sa bottom three ng kanilang rankings ang magiging nominado ngayong linggo. Dahil dito, nanganganib mapalabas ng bahay ang bottom three Housemates na sina Fyang, JP, at Rain.

Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong Housemate na nais nilang mailigtas, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.

Maliban pa rito, mas masusubok ang Housemates sa tatlong malalaking payanig ni Kuya, kung saan masusubok ang kanilang kakayahang malaman ang katotohanan at kasinungalingan sa kanilang buhay sa labas sa "Big Lie" challenge, kung gaano katatag ang kanilang puso para sa kani-kanilang pamilya sa "Big Love" task, at ang kanilang ultimate "Big Task" para malaman ng sambayanan kung sino ang karapat-dapat maging Big Winner.

Samantala, patuloy pa ring binabasag ng programa ang all-time online views record nito matapos tumabo ang tenth eviction night episode nito ng mahigit 621,000 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live via YouTube, kung saan nasaksihan ang pagbabalik sa outside world ni Binsoy noong Sabado (Oktubre 5).

Abangan ang latest updates sa "Pinoy Big Brother Gen 11" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Mapapanood din ito tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC, at 9:30 PM sa TV5.

Samantala, dapat ding abangan ang nalalapit nitong Big Night live ngayong Oktubre 26 (Sabado).

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.