Maghanda sa mga pasabog na performance mula kina Maja Salvador at Lovi Poe sa kanilang pakiki-saya sa road to ASAP 30 celebration ng longest running variety show ng ABS-CBN.
Bonggang opening number ang mapapanood ng viewers tampok si Lovi kasama sina Gary Valenciano, ZsaZsa Padilla, Regine Velasquez, Martin Nievera, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, AC Bonifacio, Alexa Ilacad, Belle Mariano, Gela Atayde, Ken San Jose, and Gab Valenciano.
Samahan si Maja sa kanyang birthday celebration sa "ASAP" at abangan ang pasabog niyang dance number. Maki-hataw din kasama sina Darren, AC, Ken, Jeremy G, at Jameson Blake.
Huwag din palampasin ang pagkanta ni James Reid ng kanyang bagong single na Sandal. Free concert experience rin ang ma-eexperience ng viewers sa pagkanta ng isa sa top artists ng Spotify na si Dionela sa "ASAP" stage ng hit singles niya na "Sining" at "Maharlika."
Tuloy-tuloy din ang world-class numbers mula kina Martin at Morisette kasama ang violinist na si Micha Torres at abangan din ang duet ni Regine Velasquez kasama ang singer-songwriter na si Ferdinand Aragon. Sasamahan naman ni Darren ang BGYO sa pag-perform nila ng bagong single nilang "Trash."
Samantala, huwag din palampasin ang performances mula sa ASAP Champions, Dance Sirens, at Rockoustic Heartthrobs.
Makiki-saya rin ngayong Linggo ang hosts ng "ASAP" na sina Robi Domingo, Donny Pangilinan, Belle, at Edward Barbers.
Panoorin ang “ASAP,” ang Best Music or Dance Programme sa Asian Academy Creative Awards, ngayong Linggo, 12 NN, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide sa TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.