News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Entertainment nagtala ng 50 milyong YouTube subscribers

October 17, 2024 AT 08 : 41 AM

Entertainment YouTube channel na may pinakamaraming subscribers sa Southeast Asia
 
Palaki nang palaki ang online family ng ABS-CBN Entertainment matapos nitong magtala ng 50 milyong YouTube subscribers. Ito pa rin ang YouTube channel sa media and entertainment category na may pinakamaraming subscribers sa Southeast Asia.

“We are grateful to our Kapamilyas who continue to support our shows on YouTube amidst an evolving digital landscape. We share this milestone with our new and loyal subscribers alike. Since ABS-CBN’s shift to digital, our viewers have embraced YouTube as a go-to source of ABS-CBN content. We will continue to meet the increasing demand for content online through our offerings on YouTube as we make these accessible to more Kapamilyas in different parts of the world,” ayon kay Jamie Lopez, digital head ng ABS-CBN.

"Congratulations to ABS-CBN for reaching 50 million subscribers on their YouTube channel! This milestone is a testament to their commitment to providing exceptional content that resonates with millions of Filipinos and viewers around the world. We at YouTube are proud to partner with ABS-CBN in their journey to connect with audiences and tell compelling stories,” sabi ni Ajay Vidyasagar, managing director ng YouTube Southeast Asia and Emerging Markets.

Kasabay ng paglawak ng subscribers ay ang patuloy na paglawak din ng mga handog ng ABS-CBN pagkatapos itong umarangkada sa mundo ng digital noong 2020 kung saan nakakapanood ng mga bagong palabas at classic shows sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Mas marami pang aabangan mula dito tulad na lamang ng “Halfmates,” isang YouTube original series na ipapalabas simula October 18 na pinagbibidahan nina Kaori Oinuma at Jeremiah Lisbo, at ang “Four Bad Boys and Me,” ang unang digital movie ng ABS-CBN sa YouTube para sa 2025.

Patuloy din ang pagtangkilik ng mga manonood sa Kapamilya Online Live kung saan tampok ang 24/7 livestreaming ng iba’t ibang programa ng ABS-CBN na kasalukuyang umeere, pati na rin ang replays ng mga all-time favorite show. Meron itong unli-replay sa loob ng 21 na araw pagkatapos itong unang i-livestream at available ito sa Asia, Australia, Europe, at New Zealand. 

Pwede ring maki-feel at home kahit nasa ibang bansa dahil sabay-sabay na napapanood ang Kapamilya Online Live sa mga nasabing teritoryo. Nasusubaybayan dito ang pinakabagong episodes ng “FPJ’s Batang Quiapo,” “Lavender Fields,” “Pamilya Sagrado,” “It’s Showtime,” “ASAP,” at marami pang iba. 

Bukod dito, available worldwide ang kumpletong episodes ng mga programang pumatok sa mga Pinoy tulad ng “Senior High,” “High Street,” “Can’t Buy Me Love,” at “Linlang.”

Nasa ABS-CBN Entertainment YouTube rin ang “Super Kapamilya” - isang membership feature kung saan ma-eenjoy ng mga subscriber ang exclusive livestream access sa mga pinaka-inaabangang event, pasilip sa mga behind-the-scenes ng ilang mga palabas at special events, at masayang Q&A bonding sessions kasama ang mga sikat na Kapamilya star.

Sa ABS-CBN Entertainment nagmula ang ilang mga sikat na digital series tulad ng Bisaya talk show na “Kuan on One,” ContentAsia winner for Best Asian Short-Form Drama/Series na “Zoomers,” at ang unang co-production series ng ABS-CBN at YouTube na “How to Move On in 30 Days.”

Maging parte ng online pamilya ng ABS-CBN sa pag-subscribe sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.