News Releases

English | Tagalog

Bailey, naglabas ng comeback single na "Come Closer"

October 18, 2024 AT 10 : 18 AM

Sumusubok ng bagong tunog

Nagbabalik sa local music scene ang dating myembro ng global pop group na Now United member na si Bailey May sa pamamagitan ng kanyang comeback single na “Come Closer.

Isinulat mismo ni Bailey ang bagong Star Music single habang iprinodyus ito ni ABS-CBN Music operations at creative head na si Jonathan Manalo. May influences ito ng dance hall at reggaeton genre na sumasalamin sa artistic growth ni Bailey matapos niyang maging bahagi ng Now United.

Nakilala ang Filipino-British singer-actor nang maging housemate siya sa “Pinoy Big Brother 737” Teen Edition at hinirang bilang third runner-up. Noong 2015, inilabas niya ang kanyang self-titled debut album tampok ang mga kantang “Gusto Kita” at “Now We’re Together” at umani siya ng parangal bilang Most Promising Male Singer/Performer of the Year sa 48th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Box Office Entertainment Awards.

Naging bahagi rin siya ng iba’t ibang Kapamilya shows na “On The Wings of Love” at “Maalala Mo Kaya” at regular performer sa “ASAP.”  Naging mentor din siya sa idol survival program na “Dream Maker” noong 2022.

Available ang bagong single ni Bailey na “Come Closer” sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE