News Releases

English | Tagalog

"Pamilya Sagrado," siksik sa aksyon sa huling tatlong linggo

October 29, 2024 AT 01 : 54 PM

Whose life will be sacrificed in Moises’ quest for justice? Will Rafael finally find the peace that he’s been longing for with his sons?

Abangan ang pasabog na komprontasyon nina Piolo, Grae, at Kyle

Level-up na makapigil-hiningang mga komprontasyon ang masasaksihan ng mga manonood sa huling tatlong linggo ng Kapamilya teleseryeng “Pamilya Sagrado.”

Mangyayari na ang pinaka-inaabangang paghaharap nina Piolo Pascual, Grae Fernandez, at Kyle Echarri, sa isang maaksyong labanan para sa hustisya na mula sa special guest director na si Coco Martin.

Malaking dagok ang haharapin ni dating pangulong Rafael (Piolo) dahil isasakripisyo na niya ang kanyang buhay upang mabuwag ang sigalot sa pagitan ng kanyang mga anak na sina Justin at Moises (Grae at Kyle).

Pero mukhang madadagdagan pa ng panibagong kalaban si Rafael kay Moises matapos siyang siraan ni Justin sa pagsisinungaling na si Rafael mismo ang pumatay sa nanay ni Moi na si Cristine (Bela Padilla).

Iigting pa lalo ang labanan ng magkakadugo dahil idadaan ni Jaime (Tirso Cruz III) sa karahasan ang kanyanag patong-patong na problema sa pamilya, habang si Eleazar (John Arcilla) naman ay madadawit sa gulo sa pagtulong niya kay Rafael.

Hindi rin makakaligtas sa panganib ang pamilya ni Moises na sina Estong at Grace (Joel Torre at Shaina Magdayao) sa kanilang pagsugod sa kalaban alang-alang sa kaligtasan ni Moises.

Sino ang matitirang buhay para sa laban ng hustisya? Mareresolba pa kaya ni Rafael ang problema para magkaayos ang mga anak niya?

Huwag palampasin ang pasabog na pagtatapos ng “Pamilya Sagrado” sa Nobyembre 15 ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Pamilya Sagrado.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Napapanood din ang mas maikling mga episode tampok ang pinaka-maiinit na eksena sa “Pamilya Sagrado Fast Cuts” sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.