News Releases

English | Tagalog

"Rainbow Rumble" nakakuha ng mahigit 908k online views

October 30, 2024 AT 02 : 05 PM

Netizens kinilig sa EchoNine


 

Binasag ng “Rainbow Rumble” ang kanilang all-time high viewership record matapos makapagtala ng pinagsama-samang peak concurrent views na 908,861 sa Kapamilya Online Live noong nakaraang weekend (Oktubre 26 at 27), tampok ang Lavender Fields cast at Streetboys.

Noong nakaraang Sabado, sinubukan ng “Lavender Fields” stars na sina Jericho Rosales, Janine Gutierrez, Eric Nicolas, Bernard Palanca, at Cheena Crab ang kanilang suwerte sa game show. Maswerteng man si Janine na nanguna sa elimination round ngunit  bigo  siyang nakuha ang jackpot prize at nag-uwi pa siya ng 82,000.

Hindi naman napigilan ng netizens ipadama sa social media ang kilig sa pagsali ng EchoNine sa “Rainbow Rumble.”

"Napakilig kami ni Janine at ni Jericho sa Rainbow Rumble. Iba ang charisma nilang dalawa, nakakainlove po sila. Sana po maging guest ninyo silang muli sa programa ninyong Rainbow Rumble," sey ni Rosario Lerit Garcia sa Facebook.

Samantala, sumali rin sa show noong Linggo (Oktubre 27) ang iconic na ‘90s dance group na Streetboys members na sina Vhong Navarro, Danilo Barrios, Christopher Cruz, Meynard Marcellano, at Joey Andres. Tulad ng episode noong Sabado, hindi rin nakuha ng naka-abanteng rumbler na si Meynard ang jackpot prize ngunit nanalo pa rin siya ng P82,000.

Maki-sagot na sa tanong at alamin kung sweswertihin ang grupo ng komedyante at influencers na sina Xilouette, Pooh, Yobab, Ethel Booba, at Kim Molina at ang advertisers ng Sun Huddle Room Agency sa susunod na linggo. 

Patuloy na panoorin ang "Rainbow Rumble" tuwing Sabado at Linggo, 7:15PM, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z, at 8:15PM sa TV5. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.