Catch all these real-life horrific stories in "Kababalaghan 6: Pagkagat ng Dilim" this November 3 (Sunday), 8:30 PM on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, and ABS-CBN News' online platforms
Ngayong November 3 (Linggo), 8:30 ng gabi
Handa muling manindak si Kabayan Noli de Castro ngayong Undas, hatid ang mga panibagong kwento ng kababalaghan at mga hindi maipaliwanag na mga pangyayari na nahuli sa kamera sa ika-anim na edisyon ng "Kababalaghan: Pagkagat ng Dilim" horror special ng ABS-CBN News.
Muling nabuhay ang usap-usapan sa misteryosong bayan ng "Biringan" sa Gandara, Samar kung saan huli sa CCTV ang isang pasahero ng bus na biglang naglaho nang bumaba sa sasakyan at tumawid sa kalsada.
Isang babae naman sa Taytay, Rizal ang hindi matahimik nang dahil sa sinumpang salamin na sinasaniban umano ng mga masasamang espirito, Sa hinalang matatapos ang sumpa, binasag niya ang salamin. Subalit, patuloy lamang sila sa paggambala sa kanya nang makahanap ng bagong pagtataguan sa salamin ng kanyang yumaong ina.
Bibisita naman si Kabayan sa isang housing project sa Central Luzon na nababalot umano ng lagim. Ang mga pamilyang naninirahan doon nakakakita umano ng masasamang elemento, gaya ng mga engkantong ginagaya ang kanilang mga mahal sa buhay at aparisyon ng Black/White Lady mula sa patay na puno ng Balete.
Abangan ang mga kwentong ito sa "Kababalaghan 6: Pagkagat ng Dilim" ngayong Linggo (November 3), 8:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at ABS-CBN News' online platforms.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.