Jessy reunites with Gerald Anderson in the upcoming action-drama series.
Muling makakasama si Gerald
Tuloy na tuloy na ang inaabangang acting comeback ng Kapamilya star na si Jessy Mendiola sa pagbibida niya sa upcoming action-drama series ng ABS-CBN na “Nobody.”
Makakasama ni Jessy sa nakaka-intrigang proyekto tungkol sa katapatan at integridad ang lead star nitong si Gerald Anderson.
Huling nagkasama ang dalawa sa teleseryeng “Budoy” kung saan gumanap si Jessy bilang si Jackie na best friend at love interest ni Budoy (Gerald).
Ang “Nobody” ang unang TV project ng aktres pagkatapos niya muling pumirma ng kontrata sa talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic noong Hulyo.
Ilan sa mga pinagbidahan niyang programa sa telebisyon ang “Maria Mercedes,” “Sabel,” “Precious Hearts Romances Presents: Paraiso,” at “You’re My Home” at naging regular cast din siya ng comedy program na “Banana Sundae.” Huli siyang napanood sa teleseryeng “Sandugo” taong 2019.
Isa ang “Nobody” sa mga inaabangang Kapamilya serye na malapit nang ipalabas sa telebisyon. Pangungunahan ito nina Benedict Mique at Rae Red bilang direktor at iproprodyus sa ilailim ng JRB Creative Production. Bukod kina Gerald at Jessy, makakasama rin sa programa si JC De Vera.
Abangan ang magiging papel ni Jessy sa “Nobody.” Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.