The film is now showing in over 600 cinemas in the Philippines and will be shown in over 400 cinemas abroad.
Gumawa ng kasaysayan sa takilya; palabas sa higit 1,000 sinehan sa buong mundo
Gumawa ng kasaysayan ang “Hello, Love, Again” matapos itong magtala ng pinakamataas na box office record para sa isang local film sa opening day ng pelikula sa bansa. Umabot sa P85 milyon ang kinita nito sa takilya sa unang araw ng pagpapalabas noong Nobyembre 13.
Ipinapalabas na ang pinaka-inaabangang pelikula na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa mahigit 600 sinehan sa bansa at ipapalabas din sa higit 400 sinehan sa iba't ibang bansa ngayong buwan.
Dinagsa ng mga tao ang mahigit 70 sinehan sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong Miyerkules para sa midnight screening ng “Hello, Love, Goodbye” sequel na mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.
Ibinahagi ni Kathryn ang nais niya na maramdaman ng moviegoers mula sa panonood ng “Hello, Love, Again” na magpapatuloy ng kwentong pag-ibig nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa Canada.
Aniya, “Just like what Direk Cathy said, ang pangako lang namin sa inyo sa pelikulang ito puso ang ibibigay namin. So I hope after watching this film yun ang maramdaman nyo di lang kay Joy and Ethan kungdi dahil sa buong pelikula.”
Samantala, nagpasalamat naman si Alden sa mga sumusuporta sa pelikula. Aniya, “Maraming salamat sa mga excited mapanood muli ang kwento ni Joy at Ethan. Napakasaya namin and we’re very proud of this film and we’re very excited for you guys to see it.”
Bukod kina Kathryn at Alden, kasama rin sa bonggang film collaboration ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures sina Joross Gamboa, Valerie Concepcion, Jennica Garcia, Kevin Kreider, Jobert Austria, Mark Labella, Marvin Aritrangco, Ruby Rodriguez, at iba pa.
Unang ipinasilip ang pelikula sa premiere night nito noong Martes (Nob. 12) sa tatlong sinehan sa SM Megamall, na dinaluhan ng fans, Kapamilya at Kapuso stars, pamilya at kaibigan ng cast, at mga opisyal ng ABS-CBN at GMA.
Nagtrending din agad sa X ang iba’t ibang topics hango sa pelikula, kasama na ang HLATheWorldPremiere, KATHRYN AS JOY IS BACK, ALDENat HLAxPremiere, HELLO AGAIN ETHANandJOY, at #HelloLoveAgain.
Sundan ang kwento nina Joy at Ethan sa Canada sa “Hello, Love, Again." Para sa detalye, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.