News Releases

English | Tagalog

"Hello, Love, Again" kumita ng P155M sa loob ng dalawang araw

November 15, 2024 AT 10 : 50 AM

Ipapalabas na sa US, Canada, Guam, Saipan, at London simula ngayong weekend 

Patuloy ang pag-arangkada ng “Hello, Love, Again” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa takilya at umabot agad sa P155 million ang kinita nito sa loob ng dalawang araw.
 
Ipinapalabas na rin ang pelikula sa Australia at New Zealand simula Huwebes (Nob. 14) at mapapanood na rin sa mga sinehan sa United States, Canada, Guam, at Saipan simula ngayong Biyernes (Nob. 15) at sa London simula Sabado (Nob. 16).
 
Unang kolaborasyon ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures ang “Hello, Love, Again” na mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana. Nagsisilbi itong sequel sa 2019 top grossing film na “Hello, Love, Goodbye.”
 
Nagbukas ang “Hello, Love, Again” sa mahigit 600 sinehan sa bansa noong Miyerkules (Nob. 13) at agad gumawa ng kasaysayan bilang highest first-day grossing local film na umabot sa P85 million ang kinita sa unang araw. Ipapalabas din ito sa mahigit 400 sinehan sa labas ng Pilipinas.
 
Sundan ang kwento nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa Canada sa “Hello, Love, Again." Para sa detalye, i-follow ang Star Cinema sa FacebookX (formerly Twitter)InstagramYouTube, at TikTok.
  
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE