The film is now showing in 726 cinemas nationwide.
Biggest local film showing na umabot na sa 726 cinemas nationwide
Tuloy-tuloy ang tagumpay sa takilya ng unang film collaboration ng Star Cinema at GMA Pictures na “Hello, Love, Again” na umani na ng makasaysayang P245 million sa ticket sales sa loob ng tatlong araw.
Kumita ang pelikulang pinagbibidahan nina Kapamilya actress Kathryn Bernardo at Kapuso actor Alden Richards ng P90 million sa ikatlong araw (Nob. 15) nito, ang pinakamalaking single-day box office gross para sa isang local film.
Mula 500 local cinemas noong opening day, napapanood na ngayon ang “Hello, Love, Again” sa 726 cinemas sa iba’t ibang bahagi ng bansa na tinatayang pinakamalawak na pagpapalabas sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Bukod sa Pilipinas, napapanood na rin ang sequel ng “Hello, Love, Goodbye” sa Australia, New Zealand, US, Canada, Guam, at Saipan. Ipapalabas din ito sa London simula ngayong Sabado (Nob. 16).
Nakatakda ring ipalabas ang pelikulang pinangunahan ni Direk Cathy Garcia-Sampana sa Singapore, Malaysia, the Middle East, Cambodia, at Hong Kong ngayong buwan.
Noong opening day nito, kumita ang pelikula ng P85 million at nasundan ito ng P70 million noong ikalawang araw.
Huwag palampasin ang kwento nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa Canada sa “Hello, Love, Again." Para sa detalye, i-follow ang Star Cinema sa
Facebook,
X (formerly Twitter),
Instagram,
YouTube, at
TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.