News Releases

English | Tagalog

"Hello, Love, Again" umarangkada sa US box-office top 10, naka-$2.4 million sa takilya

November 18, 2024 AT 01 : 00 PM

Makasaysayang milestone para sa Philippine cinema

Panibagong record ang ginawa ng “Hello, Love, Again” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards matapos masungkit ang ika-walong pwesto sa US top 10 films.

Matagumpay ang unang kolaborasyon ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures na umani ng $2.4 million sa US box-office. Ito ang pinakamalaking kita sa takilya ng isang pelikulang Pilipino sa America. Ang “Hello, Love, Again” rin ang may pinakamalakas na theater average o kita kada sinehan na $9,700. 

Samantala, sa unang araw ng “Hello, Love, Again” sa domestic box-office ay kumita ito ng P85 million, ang pinakamalaking first-day grossing local film. 

Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng pelikula na umabot sa P245 million ticket sales sa loob ng tatlong araw at nakuha ang pinakamalaking single-day box office para sa local film na nasa P90 million.

Ang pelikulang idinirek ni Cathy Garcia-Sampana ay napapanood sa 1,000 cinemas worldwide kasama ang US, Canada, Europe, Australia, New Zealand, Guam, at Saipan. Ipapalabas din ito sa Singapore, Malaysia, Middle East, Cambodia, at Hong Kong ngayong buwan.

Huwag palampasin ang kwento nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa “Hello, Love, Again” na napapanood sa mahigit 1,000 na sinehan sa buong mundo. Para sa detalye, i-follow ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE