News Releases

English | Tagalog

Mga madamdaming kwento sa buhay, hatid nina Tyang Amy at Tita Winnie sa Radyo 630

November 18, 2024 AT 10 : 00 AM

Radyo 630 and Teleradyo Serbisyo bring more than news and public service on the airwaves as audiences nationwide can also tune in to heartwarming true stories via shows from Tyang Amy Perez and Tita Winnie Cordero

Radyo 630/Teleradyo Serbisyo at Ayala Foundation, magkatuwang sa serbisyo publiko

Maantig sa mga samu't saring kwento ng totoong buhay kasama ang titas of radio na sina Tyang Amy Perez at Tita Winnie Cordero sa kanilang mga public service show sa Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo.

Samahan si Tyang Amy na pakinggan ang iba't ibang karanasan sa buhay pag-ibig, pamilya, kaibigan, karera, at iba pa sa kanyang radio wellness/drama show na "Ako 'To si Tyang Amy," tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3 PM.

Bukod sa mga madadamdaming kwento ng buhay, maghahatid din ito ng mga makabuluhang payo mula sa mga eksperto bilang layunin nitong bigyang halaga ang importansya ng mental health sa kasalukuyang panahon.

"Ang aming public service ay lahat ng may kinalaman sa mental health o tamang pangangalaga sa ating isip, puso, at emosyon. 'Yung mga pinagdaraanan nating struggles sa araw-araw, tatalakayin natin 'yan," ika ni Amy.

Mga nakaaantig na karanasan mula sa mga nangangailangan ang tutugunan ni Tita Winnie Cordero sa kanyang programang "Tatak: Serbisyo" na umeere rin weekdays, 10:30 ng umaga.

Bukod sa pagkalap ng donasyon para sa mga nangangailangan, layon din ng kanyang programa na magsilbing tulay sa pagsasaayos ng sistema sa pagtulong sa ating mga kababayan.

"Ang gusto kong maging adbokasiya ay 'yung mapaayos ang sistema sa pagtulong sa ating kapwa. Isa-isa kong nadidiskubre ang mga hinaing ng ating kababayan at ang daming nangangailangan ng tulong mula sa pagpapagamot, financial, at iba pa," saad ni Winnie.

May hatid ding winning diskarte si Tita Winnie, mula sa budget-friendly recipes, DIY activities at kumikitang kabuhayan sa kanyang programang "Win Today" tuwing Sabado, 10 AM.

Bukod sa AM radio sa 630 kHz frequency, mapapanood din ang mga programang ito sa Teleradyo Serbisyo na available sa free at cable TV, pati online sa official  Facebook at YouTube pages nito. May livestream din ang Teleradyo Serbisyo sa iWantTFC.

Tuloy-tuloy rin ang pagbabalita at serbisyo publiko sa mga progama nitong "Radyo 630 Balita" ni Robert Mano, "Gising Pilipinas" at "Teleradyo Serbisyo Balita" nina Alvin Elchico at Doris Bigornia, "Kabayan" ni Noli de Castro, "Balitapatan" kasama sina Peter Musngi at Rica Lazo, "Tatak: Serbisyo" kasama si Winnie Cordero, "Headline Ngayon" ni Jonathan Magistrado, at iba pa.

Samantala, mas pinalakas ng Radyo 630/Teleradyo Serbisyo ang mandato nitong paghahatid ng serbisyo publiko sa mamamayan matapos nitong makipag-ugnayan sa Ayala Foundation para sa ilang inisyatibo nito sa ginanap na contract signing nitong Nobyembre 10.

Pinasinayaan nina Marah Capuyan, President of Media Serbisyo Production Corporation, at Ayala Foundation's Senior Director of Marketing and Donor Relations, Paul Vincent Mercado ang naturang pirmahan. Ilan sa mga dapat asahan sa partnership nito sa darating na 2025 ay ang pamamahagi ng scholarship program sa mga kababaihan, paigtingin ang disaster response efforts nito sa oras ng kalamidad, at iba pa.

Para sa iba pang maiinit na balita at public service announcements, i-follow ang Radyo 630 sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.

Para naman sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @ABSCBNPR sa sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.