May special numbers rin mula sa K-Pop star na si Lucas, EZ Mil, KZ, Yeng, Jona, at marami pang iba
Ramdam na ang Pasko kasama si Judy Ann Santos at Kapamilya loveteams na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Francine Diaz at Seth Fedelin, at KD Estrada at Alexa Ilacad na aawit ng Christmas songs sa “ASAP” ngayong Linggo (Disyembre 1) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Makakasama naman ng loveteams ang mga OPM icon na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Yeng Constantino. Patuloy lang ang holiday spirit dahil may hatid na bonggang pagtatanghal mula kina Gary at Rockoustic Heartthrobs na sina Kobie Brown, Kice, Blackburn, Luke Alford, Anthony Meneses, at Jarren Garcia.
Dagdag kasiyahan para sa K-Pop fans dahil bibisita ang South Korean rapper na si Lucas na kakantahin ang bagong single na "Renegade" sa ASAP stage. Subaybayan rin ang mga kahanga-hangang performance mula kina sa OPM icons Regine and KZ Tandingan, James Reid, at Fil-Am rapper na si EZ Mil.
Makisaya rin sa birthday performance nina Yeng at Jona at maghanda para sa sexy dance performance ni Loisa Andalio. Makiindak naman sa kasama sina AC Bonifacio, Ken San Jose, Fyang Smith, JM Ibarra, Jas Dudley-Scales, Gela Atayde, at Gab Valenciano.
Gawing mas espesyal ang inyong Linggo dahil hatid ng OPM icons na sina Gary, Martin, Regine, Zsa Zsa, Yeng, Erik, KZ, Jona, Angeline Quinto, at Jed Madela kasama ang musikero na si Homer Flores ang isang inspirational performance. Abangan din ang isang masayang Christmas karaoke session, kasama ang ASAP hosts na sina Robi Domingo, Belle Mariano, Donny Pangilinan, Maymay Entrata at Edward Barbers.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.