Panoorin ang kanilang Forever Kapamilya contract signing sa YouTube channel ng ABS-CBN...
Forever Kapamilya pa rin ang OPM icon na si Ogie Alcasid at versatile actor na si JC de Vera matapos nila muling pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN nitong Nobyembre 4.
Ibinahagi ni Ogie ang kasiyahan niya sa tuwing natatawag siyang isang Forever Kapamilya.
"Kapag sinabing Kapamilya ka ang sarap sa puso and I mean that. It comes with feeling the honor, the distinction, and the privilege to serve. Ang sarap ng pakiramdam maging Kapamilya forever. Thank you so much for the trust and let's keep doing it," saad niya.
Sa kanyang pagpapatuloy bilang isang Kapamilya, mapapanood pa rin siya ng viewers sa "It's Showtime" at "ASAP." Pagbabahagi niya na iba ang nararamdaman niyang saya sa tuwing umaapak sa parehas na show lalo pa sa tuwing nakikita niyang napapasaya nila ang madlang people.
Nararamdaman ko yung joy kapag naririnig ko na yung 'Papapa papa Rapa papapa...' Hindi ako nagpapa-corny or nagdra-drama dito but there is this energy that I feel and sense of gratitude when you see the smiles of the madlang people and of course what the program has gone through. It is the spirit you cannot deny. Sa ASAP din when I'm singing with my friends and my wife and with people who are extremely gifted with singing and generous with their gifts. We always say that we are in service of the Filipino and that it is true to its core," sabi niya.
Tulad ni Ogie, labis din ang pasasalamat ni JC sa pagtitiwala ng network at patuloy na pagbibigay nito ng oportunidad sa kanya.
Ani niya, "I want to take this time to tell everyone how thankful and grateful I am for this day. Sa ABS-CBN kasi kineep pa rin ako. They will be needing my services pa rin. I just want everyone to know that I am still growing as an actor. Alam mo na patuloy pa rin tayong binibigyan ng magagandang opportunities. I am still challenged and motivated."
Dagdag pa niya na simula nang maging Kapamilya siya ay kabila't kanan siyang binigyan ng roles na tumulong sa kanyang gumaling sa kanyang craft bilang isang aktor.
"Ever since naging Kapamilya ako palagi akong tinetest ng network na gumawa ng roles outside of my box. Masasabi ko talaga na during my stay dito sa ABS-CBN, wala akong ginawang hindi challenging," sabi niya.
Dapat din daw abangan ng publiko ang susunod niyang gagawin lalo pa at kakaiba raw ito sa mga dating pa niyang nagawa.
Kasama nina Ogie at JC sa “Forever Kapamilya Network Contract Signing” event sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief operating officer Cory Vidanes, group chief financial officer Rick Tan, TV production head Laurenti Dyogi, at ang manager nila na si Rey Lanada.
Samantala pwede rin balik-balikan ng manonood ang "Forever Kapamilya Network Contract Signing” nina Ogie at JC sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.