Mga sikreto, tuluyan nang mabubunyag...
Hubaran na ng maskara! Sunod-sunod na ang kapanapanabik na eksena na dapat abangan sa “Lavender Fields” dahil sa kaliwa't kanang sikretong mabubunyag sa bagong kabanata nito. Labis ding pinag-usapan sa social media ang inilabas nitong trailer noong Miyerkules (Nobyembre 6).
Sa ipinasilip na trailer, mukhang magsisimula na nga sina Lavender (Jodi Sta. Maria), Zandro (Albert Martinez), at Aster (Maricel Soriano) sa pagsiwalat ng baho nina Vito (Edu Manzano) at Iris (Janine Gutierrez).
Mas malalaman din ni Lavender kung paano nga siya pinaikot lamang ni Tyrone (Jericho Rosales).
Ngunit magiging komplikado ang kanilang binabalak dahil malalaman ng kampo nina Iris na mukhang may ibang binabalak sina Lavender sa kanila. Mas titindi pa ang kanilang suspetya ng makita rin nilang tinutulungan ni Zandro sina Lavender.
Dapat din huwag palampasin ang pagkabunyag ni Iris na iisa lamang sina Jasmin at Lavender. Abangan kung paano lalaban sina Lavender at Aster sa pamilya nila Iris at kung may pag-asa pa si Lavender makasama ang anak na si Camilla.
Simula nang umere ang serye noong Setyembre ay hindi na naalis ang programa sa listahan ng most watched shows ng Netflix Philippines habang patuloy pa rin nangunguna ito sa iWantTFC.
Abangan ang mga pasabog na eksena sa bagong kabanata ng “Lavender Fields” tuwing weeknights simula 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Panoorin ito in advance sa Netflix at iWantTFC.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.