Meriam started her “golden journey” when she used the remaining amount of her loan, P50,000, to start her business
Tampok din ang tagumpay ng “Paws & Fur” at tips sa tamang paggamit ng credit card kasama si Karen
Ibibida ni Migs Bustos ang tagumpay ng gold jewelry business ng “golden girl” ng Camarin, Caloocan at may-ari ng Marigold Philippines na si Meriam Dangcalan-Bayacag ngayong Linggo (November 10) sa “My Puhunan: Kaya Mo!”
Tumatabo na sa 1,000 orders ng mga gold jewelries kada araw ang negosyo ni Meriam na nagsimula sa tirang pera ng kanyang P50,000 teacher’s salary loan at matagumpay itong napalago sa pamamagitan ng online selling.
Nagbahagi rin si Mike Aguilar ng kanyang kwento sa pagtataguyod ng kanyang “Paws & Fur” business noong pandemya na ngayon ay puntahan na ng mga celebrity fur parents at mula sa isa, mayroon na itong pitong (7) branches sa Metro Manila.
Samantala, isa ka ba sa mga lubog sa utang sa credit card? Tara na samahan si Karen Davila at alamin kung paano ba kayo makakabangon mula sa pagkakabaon. At kasama ang mga eksperto, magbibigay sila ng ilang tips sa tamang paggagamit ng inyong credit card para mapakinabangan niya ito sa wastong paraan.
Huwag palampasin ang mga kuwento ng tagumpay sa “My Puhunan: Kaya Mo!” kasama sina Karen Davila at Migs Bustos ngayong Linggo (November 10), 4:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live, at iba pang ABS-CBN News online platforms.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.