Pasabog, nakakakilig, at exciting na mga bagong teleserye, pelikula, at concert ang handog ng ABS-CBN ngayong 2025.
Isa na rito ay ang “Incognito” na pinangungunahan ni Richard Gutierrez at Daniel Padila, kasama rin sina Baron Geisler, Kaila Estrada, Anthony Jennings, Maris Racal, at Ian Veneracion.
Pangungunahan naman ni Gerald Anderson ang drama na “Nobody,” kung saan muli niyang makakapareha si Jessy Mendiola, kasama rin sina JC de Vera, RK Bagatsing, at ang Gen Z love team na sina Francine Diaz at Seth Fedelin.
Matapos ang mahigit isang dekada, magbabalik teleserye si Anne Curtis sa adaptation ng hit K-drama na “It’s Okay to Not Be Okay,” na kabilang rin sina Carlo Aquino at Joshua Garcia.
Tampok naman sina Bella Padilla, Charlie Dizon, Janella Salvador, Julia Barretto, kasama rin sina Jake Cuenca at JM de Guzman, sa mystery-thriller na seryeng “What Lies Beneath.”
Mapapanood naman sa big screen sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa pelikulang “My Love Will Make You Disappear,” na ipapalabas sa Pebrero.
Samantala, handog ng tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano ang kilig sa kanilang rom-com series na “How to Spot a Red Flag,” na co-produced with Dreamscape Entertainment at Viu.
Abangan din ang mga proyektong pagtatambalan nina real-life couple Janine Gutierrez at Jericho Rosales, patin na rin ni Lovi Poe at Zanjoe Marudo. Dapat din pakaabangan ang mga comeback shows nina Enrique Gil at James Reid.
Kaabang-abang din ang pinakabagong dance survival reality show na “Time to Dance” hosted by Robi Domingo at new gen dance champ Gela Atayde. Bukod dito, magbabalik din ang “Pilipinas Got Talent” para sa bago nitong season na may panibagong panel ng mga hurado.
Samantala, patuloy na maghahatid ng mga musical experiences ang ABS-CBN Music group tulad ng Star Pop campus tours, regional concerts ni Maki, Grand BINIverse: The Repeat, at bagong mga kanta mula sa iba’t ibang hitmakers ng bansa.
Hindi din dapat palampasin ang ika-30 taong anibersayo ng longest-running afternoon show na “ASAP” kung saan ipagdidiwang nito ang tatlumpong taon ng paghahatid ng Pinoy global concert experience sa mga manonood sa buong mundo.
Bukod sa exciting na bagong plot twists na dala ng primetime shows na “FPJ’s Batang Quiapo” at “Lavender Fields,” inanunsiyo din ang pagbabalik ng segment na “Tawag ng Tanghalan” sa nangungunang noontime show nitong “It’s Showtime.”
Panoorin ang iba pang highlights ng two-part ABS-CBN Christmas Special “Shine Kapamilya: Tulong Tulong Ngayong Pasko” sa ABS-CBN Entertainment website at sa Facebook at YouTube accounts nito.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.
-30