News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN nagbigay pugay sa mga makabagong bayani sa 2024 Christmas ID “Our Stories Shine this Christmas”

December 03, 2024 AT 02 : 47 PM

True to tradition, ABS-CBN ushered the Christmas season with its heartwarming Christmas ID, “Our Stories Shine this Christmas,” which celebrates the inspiring stories of everyday heroes who serve as bearers of light and hope in their communities.

ASAP icons, BINI, It’s Showtime hosts nagningning sa video

Sa pagpapatuloy ng tradisyon nito, inilunsad ng ABS-CBN ang 2024 Christmas ID nitong pinamagatang “Our Stories Shine this Christmas” na nagbibigay pugay sa mga makabagong bayani na nagsisilbing ilaw at inspirasyon sa kanilang mga komunidad.

Ipinamalas sa video ang mga kwento nina JV Ambrosio at iba pang mga breadwinners sa kanilang mga pamilya, ni single-mom Elaine at ni baby Zoey na kasalukuyang lumalaban sa cancer, at ni alopecia warrior April Doria, pati na rin ang mga naging biktima nang mga dumaang bagyo.

Tampok rin ang mga kwento nina Hernando “Mang Nanie” Guanlao at ang kanyang community library, Tatay Carlos Orit at ang kanyang mga rescue na alagang aso, pati na rin ang mga sakripisyo at kabayanihan ng Philippine Navy.

Ang 2024 ABS-CBN Christmas ID ay kinanta nina ASAP icons Angeline Quinto, Erik Santos, Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez-Alcasid, Sarah Geronimo, Yeng Constantino, Zsa Zsa Padilla, It’s Showtime family at hosts Anne Curtis, Kim Chiu, Darren Espanto, Ogie Alcasid, Vice Ganda, kasama rin sina Bamboo, BINI, Coco Martin, at Piolo Pascual.

Ito ay isinulat nina ABS-CBN Creative Communication Management’s head Robert Labayen, Des Parawan, LA Sibug, Love Rose de Leon, at Rev Martin, nilapatan ng musika ni Jonathan Manalo, at inareglo nina Tommy Katigbak at Theo Martel.

Samantala, ang 2024 ABS-CBN Christmas shirts ay available na rin for pre-order sa halagang P360. Maaari rin itong ipangregalo sa mga mahal sa buhay ngayong pasko dahil bilang pagsuporta sa fundraising drive ng ABS-CBN Foundation na “Tulong-Tulong Kapamilya,” ibibigay ng kumpanya ang bahagi ng kikitain nito sa mga napinsala nang mga dumaang bagyo ngayong taon.

Ang mga may gustong magbigay ng regalong makakapag-regalo rin sa mga nangangailan ay pwede nang mag pre-order sa authorized partner ng ABS-CBN na Shirts and Prints PH sa Facebook, Lazada, at Shopee.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom