Maki's first concert, "Maki-Concert," is also happening in Cebu, Baguio, and CDO.
“Maki-Concert” magpapasaya sa Cebu, Baguio, at CDO
Kasunod ng tagumpay ng kanyang two-day sold-out concert, naglabas si Maki ng isa na namang makulay na kanta na tinawag na “
Bughaw.”
“Itong kanta na ‘to gusto ko maging anthem siya ng magto-tropa. Sabay natin habulin ang dulo ng bughaw,” kwento niya.
Ito aniya ay para mag-inspire sa mga magkakaibigan na gawing ‘bughaw’ ang kalungkutan. “The sadness na naghihintay sa atin, let’s turn it into blue, like blue sea, or blue sky. Kahit tumanda tayo, magkakalayo na tayo, look at the sky, it’s just the same. Kung iiyak ka, iiyak din ako,” dagdag ng mang-aawit mula sa Tarsier Records.
Inawit niya ang “Bughaw” sa “Maki-Concert” na ginanap sa New Frontier Theater noong Nobyembre 29 at 30.
Sinusundan ng awitin ang iba pang color-themed singles ng Kapamilya artist na “Dilaw” at “Namumula.”
Nakatakda namang dalhin ni Maki ang kanyang “Maki-Concert” sa Waterfront Hotel and Casino Cebu sa Enero 11 at University of Baguio sa Enero 24. Bukod dito, kasama rin ang CDO sa regional leg ng nasabing concert.
Available na ang tickets para sa “Maki-Concert” sa Cebu sa
smtickets.com.
Pakinggan ang friendship anthem ni Maki na “Bughaw,” na available na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa detalye, sundan ang Tarsier Records sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.