Abangan din sina Piolo, Arjo, Julia, Enchong, Sid, Cristine, Francine, at Seth
Ramdam na ang simula ng napakagandang holiday season dahil sa isang star-studded na pagtatanghal tampok sina Sarah Geronimo, Maja Salvador, BINI, Bamboo, James Reid, at Ben&Ben sa “ASAP” ngayong Linggo (Disyembre 8) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Abangan ang pagbabalik ni Sarah G sa ASAP stage, na may bonggang rendition ng viral hit na "Good Luck, Babe, at ang pasabog na Christmas performance collab nina Bamboo at James.
Mas lalo pang gaganda ang holidays kasama ang BINI na may handog ang single nila na "Joy To The World." Magpapabilib naman ang Ben&Ben sa pag-awit ng kanilang bagong single na "Triumph," habang may mainit na sayawan rin mula kay Maja kasama ang new gen Supah Dancers na sina AC Bonifacio, Ken San Jose, Gela Atayde, Gab Valenciano, Fyang Smith, JM Ibarra, at Jas Dudley-Scales.
Tunghayan ang isang star-studded episode sa Linggo na may guest appearances rin nina Piolo Pascual, Arjo Atayde, Julia Montes, Enchong Dee, Cristine Reyes, Francine Diaz, Seth Fedelin, Maris Racal, Anthony Jennings, Bituin Escalante, at David Ezra.
Mabighani sa isang all-star performance kasama ang OPM icons na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, at Yeng Constantino. Makikisabay rin sa kantahan ang singing champs na sina JM Dela Cerna, JM Yosures, Reiven Umali, Khimo, Lyka Estrella, at Marielle Montellano.
Pasasayahin pa ng ASAP ang inyong weekend dahil sa nakakatuwang pagtatanghal mula kina Gary at Kiana Valenciano, BGYO, at Rockoustic Heartthrobs na sina Kice, Kobie Brown, Jarren Garcia, Luke Alford, Blackburn, at Anthony Meneses. Saksihan ang isang espesyal na Pinoy Christmas finale kasama ang OPM icons na kakantahin ang ABS-CBN Christmas Station IDs. Kasama rin sa kasiyahan ang ASAP hosts na sina Robi Domingo, Maymay Entrata, at Edward Barbers.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.