Mercedes’ effective portrayal was a major hit, with viewers even impersonating Lena’s trending lines in the series
Mercedes, mami-miss ang sagutan kina Cherry Pie at Direk Joel
Namaalam na sa “FPJ’s Batang Quiapo” ang karakter ni Mercedes Cabral na si Lena, ang isa sa mga pinaka-pinanggigigilang kontrabida sa primetime TV.
Buong pusong nagpasalamat si Mercedes kina Coco Martin at sa mga tagasubaybay ng Kapamilya teleserye para sa labis na tiwala at pagmamahal na pinaramdam sa kanya sa pagganap kay Lena.
“Gusto kong magpasalamat kay Coco kasi kung hindi niya binigay sa akin si Lena, hindi rin mag-iingay ‘yung pangalan ko bilang aktor sa mainstream TV. Para naman sa viewers, thank you kasi kahit alam kong naiinis kayo kay Lena, marami pa rin akong naririnig and nakukuhang comments na nakaka-touch pa rin sa akin bilang aktor,” sabi ni Mercedes sa isang video na ibinahagi sa social media ng CCM Film Productions.
Makapigil-hininga ang
episode noong Biyernes (Disyembre 6) matapos mabaril at mapatay ni Rigor (John Estrada) si Lena upang mailigtas si Marites (Cherry Pie Picache) sa pananaksak ng dating jowa. Bago pa nito, tuluyan nang nakain si Lena ng matinding galit at poot nang masiraan siya ng bait dahil sa paghihiwalay nila ni Rigor at sa pagkamatay ng anak nila.
Inamin naman ni Mercedes na mami-miss niyang ka-eksena ang kanyang co-stars lalong-lalo na sina Cherry Pie at Direk Joel Lamangan dahil hindi niya inakalang ganun kaganda ang magiging chemistry nila.
Halos gabi-gabing pinag-uusapan at ginawan ng iba’t ibang trending memes ang karakter ni Lena dahil sa inis ng mga manonood sa kanya bilang kabit ni Rigor. Naging instant hit si Lena at pinuri naman si Mercedes sa husay niya sa pag-arte.
Bukod sa pagbansag sa kanya bilang “pambansang jumper,” nagkalat din online ang kaliwa’t kanan na videos kung saan ginagaya ng netizens ang ilang mga sikat na linya ni Lena tulad ng “gusto ko ng liempo” at ang pabebeng pagsabi ng “Righoouur.”
Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X,
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.