News Releases

English | Tagalog

Online views ng "Zoomers," pumalo sa lampas 2M views

February 01, 2024 AT 03 : 59 PM

Sinusubaybayan at pinag-uusapan ang bagong Gen Z barkada ng mga karakter nina Harvey Bautista, Criza, Ralph de Leon, Luke Alford, at Krystl Ball kaya naman tumabo na sa lampas 2.2 million YouTube views ang "Zoomers.”

 

Viral at trending nga sa TikTok at Twitter and mga eksena ng serye at dumarami na nga ang fans ng bida ng serye. 

 

Marami rin viewers ang nagbahagi ng kanilang mga mensahe kung gaano sila nakaka-relate sa kwento nina Hope (Criza), Jiggs (Harvey), Atom (Ralph), Kokoy (Luke), at Tania (Krystl), sa mga problemang pinagdaanan nila pati na ang kani-kanilang pangarap sa buhay. 

 

Samantala, kilig na kilig naman ang ilang fans sa chemistry nina Harvey at Criza at umusbong na nga ang pagtawag sa kanila bilang 'CrisVey.' Gayundin naman ang suporta ng girls love supporters kina Krystl at Kei Kurosawa. Bukod pa rito, lubos din ang pagpuri nila sa acting skills ng lima. 

 

Sa huling mga gabi, tutukan kung tuluyang magwawatak-watak ang barkada ng Zoomers ngayong nalaman ni Jiggs ang casual relationship nina Kokoy at ng ate niyang si Mika (Erika Davis) habang tinutulungan si Atom linisin ang kanyang pangalan matapos ang pagkakalat ng fake news ni Dino (Luis Vera Perez). Magkaroon pa kaya ng happy ending sina Jiggs at Hope? Ma-overcome pa kaya ni Tania ang kanyang coming out trauma?

 

Sa nakalipas na dalawang linggo, maraming isyu ang binuksan at binigyang pansin ng "Zoomers" tulad ng drugs, bisexuality, mental health, bullying, at marami pang iba.

 

Ang "Zoomers" na isa na sa most watched online exclusives ay idinerehe ni Chad Vidanes at isinulat nina Charisse Bayona at Michael Transfiguracion.

 

Huwag palampasin ang huling ilang gabi ng "Zoomers," 10:15PM,  pagkatapos ng "Can't Buy Me Love" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5. Patuloy din panoorin ang full episodes nito sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.