Pinuri ng independent journalist at Instagram influencer na si Pola Del Monte
@MissChiefEditor ang pelikula dahil naging maayos ang pagtrato nito sa kababaihan na iba sa karaniwang nangyayari sa sex comedy movies.
Ani Pola, “I think it’s a huge step for Philippine cinema, given that raunchy shows or movies tend to exploit women. I didn’t get offended (though honestly mildly shocked), but I would recommend this even to girls my age to watch with fellow tita friends. It’s raunchy but it doesn’t put women in bad light.”
Bida naman sa ibang reviews ng pelikula ang camaraderie nina Carpio, Macky, at July na ginampanan nina Enrique, Nikko Natividad, at Red Ollero.
Sa isinulat ni Philbert Dy sa kanyang review sa
Spot.ph, ibang chemistry ang meron sa tatlo na talaga namang nagpapahalakhak sa mga manonood. Aniya, “The prickly dynamic between the three leads is fun, especially when they get on each other’s nerves. It just feels like they all understand the assignment, playing three guys who’ve known each other forever, and are prone to turning off their filters when they’re together.”
Saad naman ni Roy Remorca ng
Cinegeeks Podcast, “Feeling ko nga parang ito yung sine na first time in a long time na ang konti ng pahinga ko ng tawa.”
Ayon sa post ng film review platform na
Maganda Ba?, “Mahuhusay silang apat na main cast. It’s definitely a good decision for @enriquegil17 na ito ang comeback movie niya. The movie got some balls (literary and figuratively). Matapang ito na sumubok ng bagong kwento. Definitely a good watch for me!”
“It has opened doors for others to create more gutsy and refreshing concepts for the Filipino audience to see,” sabi naman ng
Goldwin Reviews sa Facebook.
Nasa ikalawang linggo na sa mga sinehan nationwide ang pelikula na umiikot sa brokenhearted na si Carpio na may malaking misyon sa Thailand kasama ang mga kaibigan na sina Macky at July pati na rin ang kanilang magiging tour guide na si Prajak na ginagampanan ni Pepe Herrera. Subalit maghahatid ng matinding gulo ang pagkakahawig ni Carpio sa isang sikat na porn star.
Huwag palampasin ang solid na kwento at katatawanang handog ng “I Am Not Big Bird” mula sa Black Sheep, Anima Studios, at Immerse Entertainment na showing sa mahigit 100 cinemas nationwide. Para sa updates, sundan ang Black Sheep sa
Facebook (@BlackSheepABSCBN),
Instagram,
Tiktok, at
Twitter (@black_sheepph), at
YouTube (@BlackSheepPH), Anima sa social media accounts nito @animastudiosph, at Immerse sa Instagram @immerse.entertainment.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.