News Releases

English | Tagalog

Amy Perez, ibabahagi kung paano muling nakahanap ng pag-ibig sa "Tao Po"

February 24, 2024 AT 05 : 48 PM

PWD parking boy, Pinoy wrestlers tampok ngayong Linggo

 

Isang girls bonding time ang matutunghayan ngayong Linggo dahil may heart-to-heart session sina Amy Perez at Bernadette Sembrano, kung saan ibabahagi ni Tyang Amy kung paano siya muling umibig at kung paano niya binabalanse ang trabaho at pagiging ina sa “Tao Po” ngayong Linggo (Feb 25).

“Pagdating ko sa pintuan ng bahay, ‘ag hinubad ko ‘yung sapatos ko, iniwan ko na ‘yung artista na si Amy Perez. Ibig sabihin, pagpasok ng bahay, Amy Perez na akong nanay,” kwento ni Tyang Amy.

Samantala, kwentong sports naman ang hatid ni Kapamilya reporter na si Jeck Batallones sa kanyang panayam kasama si Filipino Pro Wrestling champ Mike Madrigal. Bukod kay Mike, nakausap din ni Jeck ang ibang Pinoy wrestlers na sina Ralph Imabayashi at Robynn na nagbahagi rin ng kanilang mga kwento ng sakripisyo sa kanilang napiling propesyon.

Ngayong Linggo, tampok din sa “Tao Po” ang nakaka-inspire na kuwento ng 44-anyos na parking attendant na si Joey Asis. Dahil sa sakit na nakaapekto sa kanyang paglalakad, naghahanapbuhay si Joey gamit ang isang pedicab na pinapatakbo niya gamit ang mga kamay. Kahit inaabot si Joey ng apat na oras para makapunta at makauwi sa trabaho, hindi siya tumitigil para mabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang pamilya.

Panoorin ang mga kwento ng pag-asa at inspirasyon na ito ngayong Linggo (Pebrero 25) sa “Tao Po” tuwing 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN News YT Channel, at sa news.abs-cbn.com.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.   

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE