Parami ng parami ang manonood na nahuhumaling sa kwento nina Caroline (Belle Mariano) at Bingo (Donny Pangilinan) sa hit serye na "Can't Buy Me Love" na ngayon ay most watched show sa iWantTFC.
Nanatili rin ito bilang isa sa top shows sa Netflix at humahamig din ng lampas 200,000 views gabi-gabi.
Bukod sa tumataas na views, patuloy din ang pagtrend ng show lalo na ang pagpuri ng netizens sa galing sa pag-arte ni Belle Mariano sa naging komprontasyon niya laban sa kanyang pamilya.
Sunod-sunod nga ang naging pasabog ng kwento simula sa pagkatuklas ni Caroline na talagang pinatay ang kanyang ina at ang posibleng kaugnayan ni Cindy (Agot Isidro) dito. Dahil sa mga nalaman, pursigido nga si Caroline na palitan ang ama sa GLC para pahirapan ang pamilya.
Gumuho naman ang mundo ni Bingo ng makita muli ang inang umabandona sa kanya at hindi siya nito nakilala.
Sa gitna ng kaguluhan, nakuha pa ni Bingo na umamin ng kanyang nararamdaman kay Caroline ngunit nilinaw niya na hindi niya ito priority.
Magkaroon kaya ng pagbabago sa samahan ng dalawa ngayong umamin na si Bingo na gusto niya si Caroline? Ano naman kaya ang susunod pang hakbang ni Caroline para makamit ang hustisya sa ina?
Huwag palampasin ang trending episodes ng "Can't Buy Me Love" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5. Maari rin ito panoorin in advance sa Netflix o iWantTFC.